Chapter 18

2.4K 99 24
                                    

18

...***...

" Dad, good morning " nagulat pa ito nang makita ako nito sa bahay. Una sa lahat, ang aga ko sobra. Alas sais bente uno, sabi ng relo ko.  At pangalawa, di ito sanay na makita ako sa bahay nila nina mom. . Sa bahay namin pala. .

" breakfast " yaya nito sa akin . .

" i wanna see mom. ."

" she's still sleeping.  Hintayin mo na lang na magising later. Halika, let's have breakfast together "

" same spot dad? ". Tanong ko dito . Matagal ako nitong tinitigan . .Tumango ito. At di ko napgilang yakapin ito. " i miss you daddy. .I miss this place. . i miss us "

" yeah baby . . I wish we stayed like this. . But Life has another story for us, it's something we've never expected to happen. . "

".i know dad. . Pwede po bang kahit sa araw lang na ito, maging ok ulit tayo. Wag nyo po muna  ungkatin ang nakaraan? "

" sure iha. . Sure.. .I'll try. .we will try " makahulugang sabi nito. I hugged him once again, bago magkasabay kaming nagtungo sa garden.

Dad had made a mini-house for us ni ate Suzy. We don't have big tree here, kaya yung request naming magkapatid na tree house ay naging smaller version ng mansion namin. .Ito ang favorite spot namin for breakfast.  .

I saw dad instructed our mayodoma para ihanda ang pagkain namin. I know they are happy to see me back in our mansion, but i still dont have the courage to stay here a little longer. Nakakailang. .Hindi ako makagalaw ng malaya dahil pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa galaw ko.

" tell me Sarah, may problema ka ba at ganitong kaaga ka andito sa bahay? "

Umiling muna ako bago nagsalita. " i just want to see mom. .Siguro mga after an hour or two , aalis na din ako "

" you know you can stay here, and use your room again. ."

I sipped my coffee and look at him. " i wish it will be easier. Pero di ko pa ata kaya Dad, and i still dont know kung anong magiging reaction ni mom pagkakita sa akin. "

" when will our family be complete again? " malungkot niton tanong. Maski ako, gusto kong makumpleto kami. Kahit na alam kong impossible sa ngayon, umaasa naman ako na sana dumating ang araw na maging buo muli kami.

" i dont know, Dad. .Hindi ko talaga alam. . "

Tahimik ang naging almusal namin. None of us talk. It's a lot better kesa naman magisisihan kami or pag usapan namin ang nakaraan. .

Four years ago when a tragic accident happened. It was something that tear our family apart. And until now, I can still feel the pain of the lose and the pain of being accused of an accident i didnt wish to have committed.

"  by the way, next week na ang start ng blind auditions. . Tapos na kayo sa meeting diba? " tumango ako bilang sagot.  " Three days ang blinds. Madaming contestants pala this season, pinaka marami so far ."

" madami naman din kasi ang mga magagaling. "

" Magaling nga, pero kung matigas din naman ang ulo, di pa din sisikat. Like what happened to Harlee." Si Harlee and unang winner ng season 1. Pansamantalang kasikatan lang naman. She's not from my team, at nung naofferan na , lumaki na ang ulo at ayaw nang sumunod sa utos ng management. Kaya ngayon, sa mga maliliit na bars na lang kumakanta. . Sayang nga naman talaga. .

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon