Chapter 2

2.6K 63 58
                                    


2

•••***•••

" kuya naman, bakit kailangan mo pang samahan ako sa school. Matanda na ko, di mo na ko kailangan pang samahan nuh!" . Nagmamaktol na reklamo ni Maya sa akin.

" tigilan mo ako sa pag iinarte mo Maya. Alangan naman si nanay ang mag aatend ng meeting nyo eh alam mo naman na di nun maiwan iwan ang puwesto sa palengke. At tsaka, di ka ba proud sa gwapo mong kuya??"

" hih!! Yun na nga! Kasi yung teacher ko, ikaw na naman ang titingnan!! Ang arte arte nun. Tapos magtatanong tanong na naman ng kung ano-ano sa akin. Ayokong maging tampulan na naman ng mga tsismis ng mga kaklase ko kasi lahat sila nag ka-crush sa yo!!"

" ang gwapo ko pala talaga! "

" heh! Kuya!! Si Marie na lang yung bantayan mo sa school. Tsaka wala ka bang sideline ngayon?? Di ka ba papalaot?! "

" ok naman na ang huli ko kaninang umaga.  At ano bang problema mo dun, ayaw mo bang maging peymus ako?? Halika na at malelate na tayo!"

" kasi sasabihan na naman nila ako na bakit ba daw ang gwapo mo tapos ako di maganda. " . Lumabas din yung totoong rason kung bakit ayaw nitong kasama ako sa school. Insecure pala ang dalagang bubuwit kong kapatid!

" halika nga dito. " lumapit naman ito kaya inakbayan ko na. " alam mo Maya, maganda ka. Kayo ni Marie, magaganda kayo. Tandaan mo ito palagi, wala sa lahing Fernan ang pangit! Pasalamat nga tayo kay Tatay na kahit iniwan tayo , eh magandang lahi naman ang niregalo nito sa atin.. "

" eh di nga ako maganda sabi nung kaklase ko. Ibili mo kaya akong lipstick sa may palengke para gumanda ako. "

" bawal! Bawal na bawal kang magkolorete ng mukha! Hangat di ka nagtapos ng college, di ka pwedeng maglagay ng kahit na anong pangkulay sa mukha! Tandaan mo tong sinasabi ko sayo Maya, dahil oras na may makita akong bahid ng lipstick dyan sa labi mo, ingungudngod ko yan sa libro mo! Libro muna bago lipstick! Aral muna bago pagpapaganda! "

" kuya naman!!!!"

" halika na!" Busangot ang mukha nitong sumunod sa akin. May motor kami at kahit karagkarag na ang itsura, nakakatakbo pa naman ng maayos. Motorsiklo ito ni tatay. Buti nga may iniwan pa itong katiting na gamit sa amin bago kami iwan.

Pag maaga akong nakakarating ng bahay galing laot, sinisiguro ko na ako maghahatid sa dalawa kong kapatid sa eskwelahan. Mahigpit akong kuya, ang gusto ko , bago lumubog ang araw ay nasa loob na ng bahay ang mga kapatid ko. Bawal na bawal ang lalake sa bahay,o kahit sa bakuran namin. Pinangako ko sa sarili ko na papatapusin ko ng pag-aaral ang dalawa kong kapatid ,. Ako na ang tumayong tatay ng mga ito mula ng iwan kami tatay namin. Kaya pagsisikapan kong matupad ang mga pangarap ng dalawa kong kapatid, kahit na ang kapalit nito ay ang di pagtupad ng sarili kong mga pangarap.

" kuya, basta ha, wag ka na magpa cute kay teacher. Ako na naman ang huling papauwiin nun, kasi magtatanong tanong na naman yun ng kung ano ano sa akin"

" eh ano naman ang problema kung ganun yung teacher mo? Wala naman atang masama dun, binata ako, dalaga naman ata yun, bagay lang naman kami , diba??" Biro ko dito. Ayaw na ayaw kasi nito pag binibiro kong ligawan ang guro nya. Ewan ko ba dito sa kapatid ko at ang taas ng pangarap para sa akin . .At gaya ng parati nitong sagot sa akin, ito muli ang sagot nya ngayon . .

" kuya, mag sisinger ka pa, kahit sa tawag ng tanghalan muna bago ka mag the voice, . Basta ang asawahin mo, si Coach Sarah!! Idol na idol namin ni Marie yun, kuya. . Nakuuuuu , pag naging ate namin sya, lahat ng mga school mates ko maiingit ng sobra sa akin!!"

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon