Chapter 51

3.4K 104 62
                                    

51

...***...

" bakit nila yun ginawa sa akin? Ano bang kasalanan ko sa kanila??" Walang magawa si Matteo para patigilin ako sa pag-iyak. Kanina pa kami nakauwi ng bahay at kanina pa ako walang tigil sa pagtangis. We're inside his room and im on his bed. Yakap yakap ko ang tuhod ko habang di ako natitigil sa pag iyak.

I felt betrayed. My dad and Enzo betrayed me! Pero bakit???

" Love.. tahan na. " yumakap ito sa akin, pero tinulak ko ito. Alam kong nagulat ito sa inasal ko , pero nakakakonsensya ang ginawa ko dito. Ito ang sinisi ko. . Tumayo ako at naglakad palayo dito. " Sarah. . "

" please Matt, gusto ko mapag-isa" sabi ko na lang. Matagal bago ito sumagot. .

" si-sige. Kung yan ang gusto mo . ." Di ko ito sinagot at nanatili lamang ako nakatayo sabay talikod dito. .. Hinawi ko ang kurtina ng kwarto nito. Ang ganda ng veranda nya, ang ganda ng tanawin ko mula dito. , The serenity of the scenery brings peace to my heart. Di ko alam na may ilog pala na malapit dito. Ang tatayog din ng mga puno. Parang gusto kong pumunta sa lugar na aking natatanaw ngayon.

Hinawa ko ang malaking kurtina. I slid his patio doors that could lead me on to his veranda. I walked slowly sabay na itinukod ang aking mga kamay sa kulay bronseng barandilya. . Ang simoy ng hangin ay parang hinihele ako. . At ang init ng dapit hapon ay di ko ininda, bagkus ay pumikit ako at tumingala sa langit.. . Ang sarap lang sa pakiramdam . .

" di ko kayang iwan ka kahit saglit. " napaigtad ako ng yumakap sa baywang ko ang mga braso ni Matteo. I even felt his lips on the side of my neck before he rested his face on my shoulder. . " wag mo na ako ipagtabuyan pa, andito na ako. .mananatili ako sa tabi mo. ."

"But im hurting. . " pag-amin ko.

" and it's ok . .Walang masama sa nararamdaman mo ngayon. Andito ako , dadamayan kita. ."

" and i hated you . .I blamed you. ."

" i know. And it's alright. Wala na tayong magagawa pa, nangyari na ang mga nangyari . Di na natin maibabalik pa ang nakaraan. "

" at kinsuklaman kita sa mahabang panahon.. . I blamed you for the lost of our baby that i didnt have in the first place. What if di ka bumalik? Or what if, dahil sa galit ko sayo, nagmahal ako ng iba? Or i married someone. . what if- -

" Shhh , . .lahat ng what if's mo, di nangyari. Im here to stay. Im here to love you 'till the end. I'll be waiting for the day to come, where you will tell me you love me too . .di kita mamadaliin. Pero di rin kita papakawalan pa. ."

Naluluha akong humarap dito. . He wiped all the tears on my face. . And he kissed my forehead. Napapikit ako sabay yakap ng braso ko sa leeg nya. . " aantayin mo ako na mahalin kang muli?"

" kahit gaano pa yan katagal. .Di ako mapapagod na maghintay."

" Natatakot ako . . "

" bakit naman? "

" natatakot na akong magmahal . .Nadala ako sayo ih .. Dahil kung kailan binigay ko na ang lahat sayo, iniwan mo pa din ako . .Wala na kasi akong itinira para sa sarili ko nun. . Naibigay ko sayo ang lahat lahat. . At ang hirap lang magtiwalang muli . ."

Walang nagsalita ni isa sa amin. . These are the words i wanted to tell him . These are the words ive been keeping in me . .And im glad i was able to tell him all of these now. Mahal ko ito, oo, pero nahihirapan akong pagkatiwalaan itong muli. .

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon