Chapter 15

2.2K 81 33
                                    

15

...***...

" hey Sarah . ." Ito agad ang unang bungad sa akin. Kakagising ko lang kaya! Nakabalik na pala si Marco, at andito ito nambubulabog sa unit ko.

" wala ka bang almusal kaya ka andito ngayon?" Tanong ko. Ngumiti lang ito at dumiretso na nang kusina. Buti na lang at nakapagluto na ang kasambahay ko.

" Kumain na kayo ni Chloe?"

" Di pa! " pabarang kong sagot dito. Wala ako sa mood! Kagabi pa!!

" bakit ke aga aga ay ganyang yang mukha mo?" Tanong nito habang naglalagay ng kanin sa pingan nito. Kumuha na din ako ng sarili kong pagkain saka nagsimula na ding kumain. .

" Im starting a movie with Enzo." Kaswal kong sabi habang patuloy na sumusubo ng pagkain. Mukhang di nito pinansin ang sinabi ko at patuloy lamang sa pagnguya. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. .

" and he's presko. Ang taas ng tingin sa sarili. I remembered, nung una ko itong nameet, parang takot na takot itong makipag kilala sa akin. . But when i met him sa office ni Dad, biglang nagbago na ito. Kabaligtaran ito sa lalakeng nakilala ko before."

" and you like him?" Puno ng panunuya ang tinig ng boses nito.

" of course not. .But Dad ,wants us to be couples."

"At di mo susuwayin si tito, right? "

" I dont know. . Im not sure about Enzo. . I dont like him. .I dont like his guts. Parang there's something wrong eh..he seems to be pretending . .Ewan ko ba. .". Huminto ito sa pagkain at diretsong tumingin sa akin. .

" i think he's a lot better than your bastard ex. . But anyways, can we not talk about him first. .The reason why im here this super early, dahil kikidnapin kita mamaya. " puno ng pagtataka akong napatitig dito.

" Bakit? " tanong ko

" Bakit , ano?" Ganting tanong nito

" Bakit mo ako kikidnapin!"

" Opening ng bar ko tonight! I need to have high sales, alam mo na, pambawi sa mga nagastos ko. Twit mo, tapos invite ka na din ng ibang friends. " i rolled my eyes on him saka nagpatuloy sa pagkain. Ako na naman ang magpopromote ng negosyo nito!!

I saw him laughed at my reaction. Best friend ko ngang talaga itong tunay. Kilalang kilala ako!! Alam na alam nyang gamitin ang pangalan ko para sa sariling kapakanan!! " dont worry Sarah, libre ka naman sa lahat ng drinks na iinumin mo " patuloy nito.

" kung makapagsabi ka ng libre lahat, parang hinahayaan mo akong uminom! Hangang dalawang baso lang ako!! At yung sumunod na sinasabi mong libre, juice na!! "

" hahahaha.. Dahil ayokong malasing ka! Remember, you have a name to protect!! "

" tse!! Ano bang bago sa bar mo na to?" Pag iiba ko ng topic.

" It's like a concert venue where any bands or upcoming artists can play and perform for free, pero syempre, pag nagustuhan ng mga customers, maybe i could consider giving them a spot, a regular night for their gig with tf of course. "

" ibang klase. .so ibig bang sabihin nyan, i can also perform sa bar mo?"

" at di kita babayaran, pero panigurado akong madaming pupunta. Meaning, ang bawat performers ng bar ko, tutugtog nang libre dahil gustong makilala, at kapalit nun ay ang mga customers na followers nila ang dadalihin nila sa bar. My bar will just be a venue for them to showcase their talent, at pag may tugtugan , may inuman. At pag may inuman, malaki kikitain ko! "

Only For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon