Isa

16.1K 466 33
                                    

ISA

"Mom, please.. Just this one. Last na lang talaga 'to." I pleaded.

Narinig kong bumuntong hininga si Mommy. Tinanggal niya ang salamin niya at ipinukol na sa akin ang atensyon niya.

Finally! Magda-dalawang oras na ako rito sa opisina ni Mommy para pakiusapan siya sa gusto ko.

My favor? I want to go to an island that was in Mindanao. I love travelling so much. Doon ko lang kasi nahahanap at nararamdaman ang freedom na wala ako ditto sa siyudad. Ultimo pag-banyo at pag-inom ko ng kape ay detalyado lahat dahil sa dami ng nakabantay sa akin.

Marami na akong napuntahang mga islands dito sa Pilipinas and I can say na Philippines is so damn lucky and rich to have so many islands and archipelago. But, those greedy people doesn't know how to treasure it.

"Sweety, I can't. You know that we need you in our business, right?" Ani niya.

Yeah right. Nakikita lang naman nila ako at pinapansin kapag may kailangan sila sa akin. They will give me the attention and materials that I don't need in return of the favor that they want me to do. Umabot na nga ang mga pinapagawa nila sa.. I shook my head. That's a memory that I want to erase sa buong pagkatao ko. I feel so dirty after doing that.

"Mom, last na 'to. I promise. After this, I will do anything you'll ask me to do." Pikit matang wika ko.

I really need to do this one. Sakal na sakal na ako sa mga gusto nilang gawin ko. Nakakapagod na sa trabaho lalo na kung patuloy kang kinukwestiyon ng pamilya mo, sa expectation ng mga tao at.. sa lahat. Gustong gusto ko ng makalaya sa hawla na kinalalagyan ko. Gusto kong ma-expew na maging isang simpleng mamamayan. 'Yung malaya ako sa mga gusto kong gawin.

How ironic. Ang mga taong mahihirap gustong maging mayaman para makuha nila ang gusto nila. They think that money can buy everything. Samantalang ako gusto kong maging katulad nila. Mayroong buong pamilya na nagmamahal sa kanila and they have the freedom to do everything that they want nang walang mga mapanuring matang nakatingin sa kanila.

Napataas ang kilay ni Mommy sa sinabi ko and moment later I saw her grin. "Anything, honey? You will do anything that I'll ask you?"

I nodded. Anything. I really want to go to that island and have my freedom.

"Okay!" Masayang wika ni Mommy at tumayo siya para yakapin ako. "That's a deal, honey. Pinapayagan na kitang pumunta sa kahit na saang lugar mo gusto without your bodyguards. For only three months and after that you need to go home and do my simple favor for our company." Yeah, whatever. Salamat naman sa Diyos at pumayag na siya.

"Yes! Thanks, Mom." I kissed her cheeks before I storm out in her office. Damn! I'm so happy right now.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang mga titig nila sa akin. Napapikit na lang ako. Ganito na lang lagi kapag pumupunta ako dito. Oh well, dahil masaya ako ngayon ay ngiting-ngiti ako kaya siguro hindi sila makapaniwala na binabati ko ang mga taong nadadaanan ko.

I admit, bitch ako pagdating sa trabaho at sa mga taong hindi ako nirerespeto. Tsaka ayoko sa lahat ng mga tao 'yung backstabber but some of the employees here hindi na bulong ang ginagawa nilang chismis kapag dumadaan ako.

Last two months, pinahiya ko ang tatlong mga babae na empleyado ni Mom. Napuno kasi ako sa pinaguusapan nila.

"Girl, narinig mo ba ang bali-balita?"

Naglalakad ako sa hallway ng company ni Mom at napansin ko ang mga babaeng naka-kumpol at may pinaguusapan. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang 10:30 pa lang ng umaga at hindi pa time ng lunch nila.

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon