HIKAKAWHAAN TAGSIYAM
Marahan kong isinara ang zipper ng maleta ng kambal. Tumayo na ako at nag-inat-inat. I've been arranging our clothes for hours kaya medyo nananakit na ang likod ko.
Napangiti ako ng makita kong mahimbing pa ang tulog ng dalawa. May mainit na humaplos sa puso ko tuwing nakikita ko ang pwesto nila sa pagtulog. They are hugging each other ng sobrang higpit.
My precious Mayari and Tala..
Nang magsawa ako sa kakatingin sa dalawa ay naisipan ko ng lumabas. Dahan-dahan akong naglakad para hindi sila magising.
Paglabas ko ay tinignan ko ang orasan. Maga-ala singko pa lang ng umaga. Maaga pa para surpresahin ang kambal.
Napagdesisyunan ko munang mag-tsaa para mawala ang antok ko. When I entered the kitchen ay halos atakihin ako sa puso because I saw a man's figure na busy sa pangangalkal ng mga pagkain sa ref namin! But when he turned ay nakita kong si Black ito.
"Good morning, mo grá!" He sexily greeted me. May sinabi pa ito sa lenggwahe niya pero hindi ko maintindihan.
Inismiran ko siya. "Next time, kumatok ka naman, ha. Daig mo pa ang may-ari ng bahay kung makatingin ka sa stocks namin." I sarcastically said. Inirapan ko pa siya.
He just laughed. It was so loud that I rush to his side to cover his eskandalosong mouth. "Ang balahura mo talaga, Black Eon Ross!"
Itinaas niya ang kamay niya like he's surrendering. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
"Sorry na, mo grá. You never failed to amuse me kasi."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya agad akong tumalikod. Siguradong aasarin niya ako kapag nakita niya ang pisngi ko.
He was about to say something when Manang enter the kitchen. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Good Morning po!" I cheerfully greeted.
"Magandang umaga rin sa'yo, hija." Ngumiti siya sa akin. Napabaling ang tingin niya kay Black. "Aba'y ang aga-aga may manliligaw ka kaagad. Noong kabataan namin ay sa gabi ang panunuyo at panliligaw, hijo, hindi alas-singko ng umaga." She jokingly said.
Natawa naman si Black at hinalikan din sa pisngi si Manang. The kitchen was filled with his madaldal na dila and he's funny jokes. Hindi namin namalayan ang oras dahil sa kaka-kwento niya.
We were interrupted by my phone's alarm. Si-net ko 'yun ng six o'clock para i-greet ang mga prinsesa ko.
"Dito ka muna, okay?" Kumunot lang ang noo niya pero hindi naman siya sumagot.
Dumiretso na ako sa ref at kinuha ang dalawang cake na binili ko. I bought a customized cakes from a known baker. Pinag-ipunan ko talaga ang pambili ng mga cakes nila. Ang design na pinili ko para kay Mayari ay princess-like cake while Tala's cake ay parang libro.
Nilapag ko ito sa lamesa at ibinigay ni Manang ang posporo. Sinindihan ko na ang dalawang cake.
I was about to carry the two cakes when Black insisted na tig-isa kami. Hindi na ako nakipagtalo dahil baka matapon ko pa ang mga ito. They're quite heavy.
Sabay kaming pumasok sa kwarto ng kambal. Binuksan ko ang ilaw para magising sila.
Papungas-pungas sina Tala at Mayari at dahan-dahang umupo. Lumapit na kami sa kanila at kinantahan ko silang dalawa.
"Happy Birthday to You, Happy Birthday to You, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to You.." Madamdaming kanta ko. Lumapit ako sa side ni Tala at si Black naman kay Mayari. Tumingin ako sa kanilang dalawa. I smiled and continue singing. "One more candle to light, On your birthday cake, Hope your wishes all come true, Now let's celebrate!"
BINABASA MO ANG
PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)
RomanceProprietorial Men Series: Alistair Antonio Reiss (Book 2) - COMPLETED Breanna Fuentabella, a lady with class and brains. Lahat ng makakakita sa kanya ay kinaiinggitan siya. She's kind, rich, intelligent, and compassionate to others. Every woman in...