Hangpu' Tagsiyam

3.3K 209 7
                                    

HIKAHANGPU' TAGSIYAM

Ilang linggo na ang nakakalipas when I last talked to Von and to.. Ali. Ayaw kong tawagin ulit ang pinsan ko dahil natatakot ako na baka may malaman na naman ako tungkol sa kaniya. I had enough. Hindi talaga ako titigilan ng parents ko hangga't hindi nila nakukuha ang power na gusto nila.

They are greedy. Sobrang greedy nila na kahit number one kami dati ay may pinagawa pa rin sila sa akin. That was part of my past that I don't want to recall. Nandidiri ako sa sarili ko noon at sa mga pinapagawa nila sa akin. Akala ko kapag nagawa ko na ang gusto nila ay sapat na para mahalin ako kahit katiting lang.

Ilang linggo na rin ang nakakaraan ng huli kaming mag-usap ni Ali ng maayos. Kapag kasi gigising na ako ay wala na siya hanggang sa makatulog. I don't know what he's been up to lately.

Napabuntong hininga ako at nangalumbaba. Napatingin ako sa wall clock at nakitang magtu-twelve na ng gabi. Kinain ako ng kaba para kay Ali dahil wala pa rin siya sa bahay.

I decided to call his friends kahit na alam kong hindi nila ako matutulungan. Una kong tinawagan si Lucas. Ilang ring lang ang dumaan at sumagot na ito.

"H-Hi.." Nahihiyang wika ko.

[B? Bakit ka napatawag? Gabing-gabi na ah.]

"I just want to ask, may sinabi ba si Ali sa'yo nitong mga nakaraang araw? Hindi kasi kami nakakapag-usap ng maayos. Kapag umaga ay maaga siyang wala tapos gabing-gabi kung umuwi. Did I do something wrong?"

Natahimik sandali si Lucas sa kabilang linya. [Wala kang kasama ngayon? Tangina naman ni bunso..] Maya-maya ay napabuntong hininga ito. [I don't know if I should be the one telling you this.]

"What? What happened? May nagawa ba ako to upset him?"

[I think.. you deserve to know.] He sighed again. [Buksan mo ang email mo, I'll send you a video. Huwag mong sasabihing ako ang nagsabi sa'yo.]

Mabilis akong tumango-tango kahit hindi niya nakikita. "Sure! No one will know about this. Thank you so much, Lucas!"

Mabilis kong in-end ang call at binuksan ang laptop. Tinipa ko ang password ng kasal namin. Habang hinihintay ang video na sinasabi niya ay pumunta muna ako sa kusina dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.

Nagtimpla lang ako ng gatas at bumalik na sa sala. Umayos ako ng upo at nakita na ang video na sinasabi ni Lucas.

Don't ever tell Ali that I send this to you or else sa kabilang buhay mo na ang makikita.

I chuckled. Nag-reply ako sa kaniya at binuksan ko na ang file.

Napakunot ako ng noo. Why would Lucas send me the CCTV of this house? May nangyari ba na hindi ko alam? Pero parati naman akong nasa bahay.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang file. Halos namutla ako at nararamdaman ko ang buong katawan ko na nanginginig. May mga butil na rin ng mga luha ang kumawala sa mata ko.

They found us! He found us!

"Alistair Antonio Reiss." The woman grimaced when he saw Ali. Tinignan din siya nito mula ulo hanggang paa.

Huminga ng malalim si Ali para pakalmahin ang sarili. "Magandang gabi po, Madam Serena Fuentabella.."

"Gaganda talaga ang gabi ko, hijo, kung ibabalik mo na ang anak ko." Marring saad nito.

Ali shook his head. "Hayaan niyo na po si Breanna sa akin. Iingatan ko po siya at hindi papabayaan."

"What a worthless piece of trash can give my daughter? Kaya mo bang punan lahat ng mga basic necessities niya? Kaya mo bang bilhin lahat ng luho niya?" The woman shook his head. "Sa nakikita ko sa'yo ay mukhang kahit pagkain ng anak ko ay hindi mo kayang bilhin."

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon