Siyam

5.1K 263 3
                                    

HIKASIYAM

"Panampangan Island is part of the Municipality of Sapa Sapa. Isa ito sa aming pinagmamalaking tourist destination dito sa amin. It has the longest sandbar in the Philippines, wherein it is more than 3 kilometers."

I was greeted by the amazing view of Panampangan Island. It took my breath away and I fell in love even more. Mas maganda ang island na 'to sa personal kaysa sa mga picture. It was lush with green and floored with white. Panampangan's beauty is so breathtaking! I am so freakin' excited to explore this island with Ali. I want to reach the shore of the sandbar.

Hindi man ako naka-focus sa sinasabi ng tour guide namin. I know every single things about Tawi-Tawi, most especially about Panampangan Island. Ilang linggo ko itong rinesearch bago ako tuluyang naglakas loob na humingi ng favor kay Mom.

Nakakunot ang noo ko habang pinamamasdan ang paligid. Imbes na sa ganda ng kalikasan ako mapatingin ay nagawi sa kinalalagyan nina Ali ang tingin ko. Nakita ko siyang tipid na nakangiti sa kausap niya. If I'm not mistaken, isa rin siya sa mga tour guide namin dito. Kilig na kilig ito na animo'y mag-boyfriend and girlfriend sila.

Kulang na lang ay mag-holding hands sila at maglambingan!

Nararamdaman ko na nag-usok ang ulo ko dahil sa tanawin. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at sinubukang kalmahin ang sarili ko.

"Leave us." I said. Parang narinig ko ang pait at galit sa bibig ko.

"B-But, Ms. Breanna. We can't. Ito po ang utos ng inyong Mommy—"

I hush her to stop kung ano man ang sasabihin niya. "I don't care kung ano man ang inuutos ng Mommy ko. I'll handle her. Sa ngayon, I want you to leave us. Gusto kong ma-explore mag-isa ang buong isla."

"P-Pero po.." Tinignan ko siya ng masama.

Napabuntong hininga ito at inutusan ang mga pulis. Yes, mahigit 30 na katao ang kasama namin ngayon sa isla! Like, how can I enjoy my stay here if mahigit 30+ na katao ang nagbabantay sa akin! Daig ko pa ang preso at star witness, my gosh!

I smiled at her. And I mouthed my thank you's to her. Nang handa na ang bangka na maglayag ay nagpwesto na ang lahat doon. Hindi pala lahat, nandito pa rin ang haliparot.

"Ali, halika na. Pinapaalis na tayo sa isla ni Madam." Sabi nito habang nakangiti at niyayapos sa braso si Ali. B*tch!

Ngumiti ako ng pagkaganda-ganda sa kanya. 'Yung ngiting manliliit siya. "Oh, honey. Ali is not coming with you. He'll stay with me here on the island. With 'me'. Get it?"

Nakita ko na namutla siya at mabilis na inalis ang kamay at patakbong pumunta sa bangka. Kumaway ako sa kaniya at napangisi. No one dares to touch what's mine. And Ali is my man and he's my greatest possession. So, he's mine. Magigitilan ko talaga sa leeg ang kung sino man ang lumandi kay Ali.

Nakatitig lang ako sa papalayong bangka. I sighed. Naramdaman ko ang yakap ni Ali mula sa likuran ko. Pinatong niya ang baba niya sa leeg.

"Ganoon pala mag-selos ang isang Breanna Semina Fuentabella?" Humalakhak ito na siyang nagpasimangot sa akin. "Ang sarap mo palang magmahal ng mahal na reyna."

Hinarap ko siya. Halos ilang inches lang ang nakapagitan sa amin ngayon. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Ano ba, Brey! Ang landi ha.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Gustong gusto mo namang lalaki ka! Kainis ka ha!" I scream.

Nakita kong mas lalong lumawak ang ngiti ni Ali. Kaya mabilis akong naglakad papunta sa dulo ng sandbar. Naramdaman ko naman agad ang kaniyang pagsunod.

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon