Kawhaan Tagduwa

3.1K 201 3
                                    

HIKAKAWHAAN TAGDUWA

Walang ingay na sinara ni Ali ang kaniyang maleta. Dahan-dahan siyang lumapit sa himbing na himbing na asawa. Umupo si Ali sa gilid nito at marahang sinusuklay ang buhok.

Napabuntong hininga siya at hinalikan sa noo si Breanna. Kung hindi lang talaga para sa plano nila ay hinding hindi siya papayag na malayo sa kabiyak. My queen, babalik ako sa'yo, pangako. We're in this together, right? Habambuhay.. Hihintayin kita, mahal.

Tumayo na si Ali at kinuha ang maleta hindi na niya gigisingin si Breanna dahil alam naman niyang pagod ito. Lumabas siya ng kwarto nito na mabigat ang loob. Habang pababa ay nakita niya ang ina nito. Nakaupo sa mamahalin nitong sofa.

Tumayo si Serena Fuentabella at ngumisi sa kaniya. "Magandang umaga po, Madam.." Magalang na bati ni Ali.

"Wow! Sobrang gumanda talaga ang araw ko ngayong alam ko na aalis kana sa buhay ng anak ko." She laughs. "Ganoon lang pala kadaling masira ang 'pagmamahalan' ninyo."

Nagngingitngit ang loob ni Ali pero hindi na lang niya pinansin ang ginang. Ina pa rin ito ng kaniyang asawa kaya kailangan niyang galangin. "Aalis na po ako, Madam. Paki-sabi na lang kay Breanna.." Hinatid pa siya nito sa pinto.

----------

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa sinasakyang taxi ni Ali. I sob. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para hindi marinig ng kahit na sino ang hikbi ko.

"Oh, Ali.. I miss you already." I whispered. Wala pang isang oras na nagkakalayo kami ay parang binibiyak na ang puso ko sa sakit.

Nang mawala ang taxi sa paningin ko ay lalong lumakas ang hikbi ko. Ilang minuto rin ako sa veranda ng kwarto ko habang nakatanaw sa daan kung saan hinatid ko ng tingin si Ali.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hinigpitan ang hawak sa kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko. Let's do this, B. Para makauwi kana kay Ali.

Naligo na ako at nagbihis. I was looking at myself in the mirror when I heard a knock in my door.

"Come in.."

Bumukas ito at iniluwa si Yaya Loling. Mabilis akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. Gusto kong umiyak at sabihin lahat sa kaniya ang mga hinanakit ko pero hindi pwede. Ayaw kong madamay siya.

"Alam mo, anak.." Hinaplos nito ang buhok ko. Napapikit ako sa hatid na init ng yakap niya. "Matagal ko ng pinapanalangin sa Diyos na ipakilala na sa'yo ang taong magmamahal sa'yo. Habang nakatanaw ako sa inyo ng asawa mo ay binibigyan ka niya ng mga titig na para bang ikaw ang sentro ng buhay niya."

Lumayo siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Ramdam ko ang pagmamahal niya para sa'yo. Pagsubok lang ito sapagsasamahan ninyo, anak, para tumatag kayo."

Ngumiti ako sa kaniya and kiss her cheeks. "Thank you po.."

"O siya, halika na. Kanina kapa hinihintay ng Mama at Papa mo, gusto nilang saluhan mo sila sa almusal."

Marahan akong tumango. Sumabay na ako sa pagbaba ni Yaya. Habang naglalakad ay kinuha niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. "Magpakatatag ka, anak.."

I just smiled at her. Hanggang sa makarating kami sa dining room ay doon pa lang niya binitawan ang kamay ko.

Pag-upo ko ay kitang-kita sa mata ni Mama ang kasiyahan. I took a deep breath.

"Good morning po.."

"It's indeed a good morning, B! Let's go shopping!" Yaya nito. Halata sa boses niya ang saya at sigla.

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon