HIKAHANGPU' TAG'ISA
"Mahal, anong gusto mong gawin ngayon? Swimming? Sabihin mo lang para pagkatapos kong magligpit sa gamit natin ay 'yun agad ang agenda natin." Nakangiti si Ali habang tinatanggal ang tent namin.
I just smile at him and think. Hmm? Ano nga ba ang masayang gawin? We've been in this astonishing island for almost two weeks now. In-enjoy lang namin ang buong isla na magkasama.
"Ali, do you know have any knowledge in catching fish?"
Ngumisi siya sa akin. Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata niya na para bang sinasabi sa akin na oo naman, marunong na marunong ako. "Medyo marunong ako ng kaunti, mahal. Bakit? Gusto mong mamingwit?"
I eagerly nodded my head. Whenever I am travelling alone ay mahilig akong mangisda. Maliban sa pagte-trek sa bundok ay mangingisda rin ang isa sa mga hilig ko. But, I can't tell it to anyone dahil most of the people that surrounds me have judgemental mind.
"Let's catch some! Tapos ibigay natin kina Lola para meron silang lunch." Masayang wika ko sa kanya.
"Alam mo ba kung paano mamingwit, mahal? Ay, hindi! Dito kana lang para hindi ka mainitan. Hintayin mo ko tapos tutulungan kitang magluto 'nun."
"But, we don't have any grilling equipment." I pout.
Imbes na sagutin ako ni Ali ay tinapos muna niya ang pagtupi sa tent namin. Pagkatapos ay pumasok siya sa bahay ni Lola. Doon muna kasi namin pinapatago ang tent habang nage-explore kami buong araw.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami. Nagningning agad ang mga mata ko when I saw the area. Oh my god! They have some grilling areas in here!
May mesa sa gitna at nasa gilid ang mga pang-grill. Pinaupo ako ni Ali sa mahabang upuan at inilagay ang sumbrero ko.
"Dito ka lang, mahal, ah? Ako ng bahala sa pagkain natin." Nakangiting saad ni Ali. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa ulo.
"But, I want to come.."
"Hindi pwede, mahal. Maiinitan ka tapos iitim ka. Tapos, tapos mapapagod ka. Hindi pwedeng mapagod ang mahal kong reyna kaya dito ka lang."
Lumabi ako at yumuko. Pagkatapos ay suminghot-singhot ako. Mabuti na lang talaga at every summer ay kung ano-anong workshop ang pinapa-aral sa akin. May etiquette, acting, singing, swimming at kung ano-ano pang class.
Narinig kong bumuntong hininga si Ali. "Sige na, sige na. Isasama na kita pero kapag pagod kana babalik na tayo rito, okay?"
Inangat ko ang mukha ko at ngumisi. "Sure!"
Iiling-iling na lang si Ali at inalalayan akong tumayo. Binuksan niya ang payong na hindi ko alam kung saan nanggaling at pinayungan ako. Then, he talked to some locals, asking if we could rent the boat to catch some fish.
Maglalabas na sana ako ng pera para pambayad pero umiling si Ali. Siya ang nagbayad noong bangkang nirentahan namin. Minutes later ay nasa parte na kami ng dagat kung saan marami raw fishes.
Ni-ready ko na ang pamungwit ko at ganoon din si Ali. "Mahal.."
"Yes, love?"
"Pustahan tayo, oh.."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Tungkol saan?"
"Kapag marami akong nahuli, kiss mo ako. Pero kapag marami kang nahuli, kiss kita." Ngumuso pa ito na parang gusto ng kiss.
Natawa ako sa sinabi niya. Kahit manalo o matalo ay gustong-gusto ko ang premyong sinabi niya.
Hinalikan ko siya ng mabilis. "You're so silly, Ali."
BINABASA MO ANG
PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)
RomanceProprietorial Men Series: Alistair Antonio Reiss (Book 2) - COMPLETED Breanna Fuentabella, a lady with class and brains. Lahat ng makakakita sa kanya ay kinaiinggitan siya. She's kind, rich, intelligent, and compassionate to others. Every woman in...