Katluan Tag'isa

4K 216 42
                                    

HIKAKATLUAN TAG'ISA

"Class dismissed. You can now take your break." I smiled at them.

Inalalayan ko ang bawat isa sa kanila na bumaba sa upuan at ihatid sila sa pinto. Nagpaalam sila sa akin na pupunta muna ng canteen at kakain.

Nang makaalis na ang mga estudyante ko ay inayos ko na ang mga gamit ko. Iniwan ko na lang ito sa classroom dahil mayroon pa kaming klase mamayang one pm.

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong umuwi kami galing Japan. We enjoyed our three days stay there. Tuwing tinitignan ko ang mga anak ko ay kitang-kita ang kislap ng mata nila.

Kahit na may label na ang relasyon namin ni Black ay walang sawa pa rin niya akong sinusuyo. Sa nakalipas na linggo ay parati siyang nasa bahay at may dalang letter sa akin. He likes to give me a letter na binabasa ko naman tuwing gabi.

Inayos ko ang damit ko at naglakad papunta sa canteen na nakalaan para sa mga gurong tulad ko. Siguradong nandoon na rin ang mga naging kaibigan ko. In my 2 years of working here ay nagkaroon ako ng tunay na kaibigan at.. mga kaaway.

Well, technically, sila lang naman ang tumuturing sa akin ng ganoon. Hindi ko na lang pinapansin dahil wala naman akong mahihita sa mga ganoon. I'd rather shut my mouth than to stoop down at their level.

Habang naglalakad ay napansin ko ang tingin ng ibang mga guro at ibang mga studyante sa higher levels. Malapit kasi sa Junior High Department ang canteen namin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga tinging ipinupukol nila sa akin at binilisan ang lakad.

Mabilis ko naman itong narating. Pagpasok ko ay mabilis kong nakita ang mga kaibigan ko. Lumapit na ako sa kanilang dalawa.

"Hi!" I cheerfully greeted them. Inilabas ko na ang baon kong lunch na pinrepare ni Manang.

"Huy, girl!" Alyanna - one of my closest friend - said. Tinapik niya pa ang balikat ko na parang kinikilig. Tinignan niya lang ako sandali at ibinalik ang tingin sa kaniyang cellphone.

I just shrugged it off. Kaunti lamang ang oras ng break namin kaya kumain na ako.

Mabilis akong napangiti ng may nakita akong note na nakasuksok sa lunch box ko.

'Happy eating, Nanay! Always think about Tito-Tay! Tito-tay loves you!' - Mayari and Tala

I chuckled at itinago ito sa wallet ko. I'm sure na si Black ang may pakana na naman ito. Araw-araw ay kung ano-anong pakulo ang ginagawa ng tatlo.

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi ginalaw ng mga kasama ko ang pagkain nila.

I sighed at itinabi ang lunch box ko.

"What are you watching? Malapit ng matapos ang lunch break and you did not touch your foods." Nakakunot na ani ko.

Sabay silang humarap sa akin at tumili. Napatakip ako ng tainga and hush them to stop. Mas makulit pa sila sa anak ko.

"Kaya pala blooming ka this past few days ah." Ibinaba niya ang phone at tumingin sa akin. Nag-taas baba ang mga kilay niya.

Napakunot ako ng noo. "What are you talking about, Aly?"

"Aysus! Parang hindi tayo best friend kung makatago ka sa amin ni Alyanna." Samantha teased.

Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi nila. Like I don't know if I'm slow or I really don't get what they mean. Did I do something wrong?

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa diyan?"

"Kunwari ka pa, sizt! 'Yung sumusundo sayong gwapo, nag-propose na!" Hinawakan nito ang kamay ko. "Tignan mo! May engagement ring ka na!"

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon