Katluan Tag'unum

3.6K 231 22
                                    

HIKAKATLUAN TAG'UNUM

The five-year-old Breanna was happily playing in their living room. Her Yaya Amethyst went in the kitchen to get her snacks. Ever since na nagkaroon siya ng kamalayan ay ang Yaya niya ang parati niyang kasama. Her parents rarely stay to play with her and her lovely dolls.

Kasalukuyan siyang naglalaro nang makita niya ang mga ito na bumaba at hawak ang kani-kanilang cellphone. She smiled upon seeing her Mama and Papa. Mabilis niyang iniwan ang mga laruan niya para puntahan ang mga ito, batiin at humingi ng halik sa pisngi. Oh, she envies her classmates so much when they told her that their parents kiss them on their cheeks. No one does that to her, just her beloved dolls that was given to her by her Father.

Maliliit ang mga hakbang na lumapit siya sa mga magulang ngunit labis ang pagkabasag ng puso niya ng lagpasan lang siya ng mga ito. They didn't even give her a single glimpse.

Breanna doesn't understand a thing but her baby heart tightens. Nasasaktan siya sa klase ng trato ng mga magulang niya sa kaniya.

Hindi niya namalayan na sunod sunod na ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mata habang nakatingin sa papalayong sasakyan kung saan lulan ang mga magulang niya.

"Breanna baby, where are you?"

Hindi niya pinansin ang tawag ng Yaya niya. She just stayed at their door staring at the road.

"Nandito ka lang palang bata ka—"

Napatigil ito sa sasabihin when she saw Brea's tears. Mabilis siyang lumuhod at pinunasan ang mga luha nito.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Come on, tell Yaya, baby.."

"It hurts, Yaya.." Mahinang saad nito. Tumingin siya sa Yaya niya. "My heart hurts whenever they ignore me."

Niyakap niya ang alaga at pinatahan. Binuhat niya ito at umupo sila sa couch sa living room. "Shhh, everything will be okay, Brea. Yaya Amethyst will always be here for you."

"Bakit palagi nila akong iniiwan sa bahay? Pwede naman nila akong sama sa pupuntahan nila.." The young Brea pouted.

"Kasi mahal ng Mama at Papa mo ang business niyo kaya parati silang busy sa pagpapatakbo nito." Amethyst felt a lump in her throat. Mabilis niya itong iwinaksi sa isip niya. "Come on, maglaro na lang tayo."

Umiling si Brea. "I just want to rest, 'Ya."

Dinala siya nito sa kwarto. She just stared at her ceiling and didn't realize that the time flew by so fast.

She was now eight and her parents have still the same treatment with her. Not until that day..

Pababa na siya ng hagdan para kumain. Kumunot ang ulo niya when she heard loud noises and laughter around the house.

Mabilis siyang bumaba at pumunta sa living room and she saw na may bisita ang mga magulang niya.

Her mother saw her at ngumiti ito. She gasped. Brea doesn't know what to do. She felt like the world stop when she saw her Mother smiling at her with that gentleness in her eyes.

Hindi niya namalayan na pumunta siya sa tabi nito. "I want you everyone to meet my daughter – Breanna Semina Fuentabella."

She didn't know what was happening around her. Ang alam lang niya ay masaya siya sa araw na 'yun dahil panay ang pansin sa kaniya ng Mama niya. Her father started to smiled at her too.

Natulog siya ng sobrang saya ng araw na 'yun. She felt like she was in the cloud and that God finally hears her prayer.

Ngunit isang bangungot ang bubungad sa kaniya. When she wakes up, she saw her Yaya Amethyst arranging her clothes in the luggage.

PMS 2: Alistair Antonio Reiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon