KAYLE DAW

36 6 0
                                    

CHAPTER V

Pagkatapos ng Filipino class ay nananghalian na kami. Naging gawi na namin ang pumunta sa study area para kumain. Syempre kasama ko ang bestie ko palagi. 

"Bestie! Bibili muna ako ng makakain ha?" papunta na ako ng may nabangga ako. Nabasa tuloy ang unifrm ko. Natapunana ng milo.

"Oy Lewis. I'm sorry. Hindi ko sinasadya Lewis." pagtingin ko, parang kilala ko. Ayy si Aldrich pala, yung kamukha ni John Lloyd Cruz. Hapon na magaling maglaro ng rubics cube.

"Okay lang Dritch, hindi mo naman sinasadya." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sure ka ba?"

"OO nga hehe. Osge una na ako Aldrich. Bye."

Umalis na ako. Hindi ko na hinintay ang  sagot niya kasi nagugutom na ako at baka mainip na si Kym. Narating ko ang aming lugar at nakita ko si Kym na tumatawang mag-isa. Baliw talaga itong babae na yun!

"KYM"

"Ano?"

"Regards si Aldrich Segawa nimo."

"Ahh talaga!"

"Oyy, ayieeeeee. May crush na siya at si Aldrich yun ayieeeeee."

"Huwag ka ngang maingay dyan bestie! Baka dumaan siya dito at marinig niya yan. Baka sabihin nyang totoo ang sinasabi mo."

"Hindi ba?"

"HINDI!"

"Wow! Ang laki ng hindi mo gerl. Okay, kain na tayo."

Kumain na kami. Mabilis naming natapos ang aming lunch kasi gutom eh hihi :D Pabalik nami sa room ng nadatnan namin si Kaye at ang kanyang mga barkada. Nakakahiya ito. Dala-dala niya pala ang foot mop ko, tiyak na tutuksuin kami nito. Nakakahiya -_____-

"Ahmm Lewis, eto foot mop mo oh. Salamat pala."

"Walang anuman. :)" namula yata mukha ko kasi biglang naghiyawan ang mga kaibigan niya.

"AYIEEEEEEEEEEEEEEE KAYLE" ang panunukso nila.

Ano daw? Kayle? Nakakahiya talaga, grabeh! Ba't ba kasi namumula pa ako, nakakahiya tuloy. Umalis na kami ni Kym bago pa manukso ulit ang kanyang mga barkada.Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Biruin mo kilala na niya ako, at nag-uusap na kami. Hindi gaya noon na ang snob niya. Naalala ko pa iyong nangyari sa Prizas."Miss, panyo mo nahulog, eto oh." kinikilig talaga ako nun. Hindi ko na makain ang pandesal ko nang maayos kasi kinikilig ako :"> Ang gwapo talaga niya pero snob siya noon. Back to the present. Ang swerte ko kasi nagkakausap na kami. Pangarap ko ito noon. Pero ngayon natupad na, ang galing! Parang destiny kami haha ilusyunada talaga ako hihi ganyan kasi ang mga taong INLOVE, kung anu-anong pumapasok sa kukuti ko. Nahihibang na yata ako. Tumingin ako sa relo ko at 12:45 na pala pero wala pa yung teacher namin. Nasan kaya yun? Nagpapaganda pa siguro hihi. Ayy nandito na.Economics pala namin ngayon.

"Good Afternoon class"

"Good Aftrenoon Mrs. Dacayana."

"Take your sit."

Magpapa activity na naman siya-_- Buti dala ko libro ko para naman may dagdag points ako heee :> Nag answer na ako para matapos agad ako. Habang nag-aanswer ako, naisip ko si Kaye. Ano kaya ang ginagawa niya? Hmmm. Sino kaya crush niya? Imposible namang mangyari yun haha. Wala namang masama sa nangangarap di ba? Hindi naman masama ah. Walang batas na nagsasabing masama ang mangarap. Hayy ang gwapo talaga ni Kaye. Sana magkita kami mamaya hihi.

"Okay, pass your notebooks ."

Buti nalang tapos na ako hehe so okay lang na mangarap ako ng gising dito haha.

************************************************************************************************************

Thank you po sa mga bumbasa.

INLOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon