CHAPTER VIII
LEWIS' POV
Absent si Kym at wala akong kasama pauwi. Ito talaga ang problema ko kapag wala siya kasi wala akong kasama pauwi. Absent siya dahil sumakit ang ngipin niya. Pauwi na ako nun nang nakita kong tumatakbo si Kaye. Parang patungo siya sa direksyon ko. Baka hinahabol niya ako? sabi ko sa sarili. Ilusyunada talaga ako, ba't naman hahabol yun? Di naman kami friends. OO nagkausap kami pero hindi naman sapata na dahilan para habulin niya ako di ba? Naptigil ako ng biglang may tumawag sa akin.
"LEWWISSSSSSSSSSS!" lumingon ako. Nagtataka ako kung sino, tumingin ako sa ibang direksyon at hindi ko naman kilala yun. Hindi maaring si Kaye ang tumawag, bakit naman niya ako tatawagin di ba? Hindi naman kami ganoon kaclose para sumigaw siya ng ganun. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad nang may tumawag ulit sa akin.
"LEEEWWIIIIIIISSSSSSS!!!" mas malakas na ito kaysa sa una niyang pagsigaw. Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad nang makita kung may humahabol sa akin. Si Kaye ba yun? Siya siguro yung tumatawag sa akin kanina. Kawawa namn hindi ko pinansin kaagad. Humihingal siyang lumapit sa akin at sinabi..
"Lewis, hindi mo ba ako narinig? Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero hindi mo naman binigyan ng pansin." bakit parang malungkot ang tono niya? Nalulungkot ba siya kasi hindi ako lumingon kanina. Bakit naman? Hmmm.
"Ahh pasensya ka na. Akala ko ibang Lewis eh, kaya hindi na lang ako lumingon. May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Pinagpapawisan siya, kawawa naman itong si crush.
"Ahh a--ano ka--si, pwedeng sabay na tayong umuwi?" yaya niya sa akin. Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip. Kung panaginip ito, huwag niyo na lang ako gisingin Lord. Kinurot ko ang kamay ko, hindi ako nanaginip. Totoo nga :D Tatanggi ba ako? Ako na nga ang niyayaya at mag iinarte pa ako. Papayag na ako kasi gusto ko rin siyang makasama ;)))))))
"Okay lang hihi. Wala naman kasi akong kasama."
"Talaga?"
"OO. Halika ka na."
Nagsimula na kaming maglakad. Ang sarap pala sa feeling na magka-usap kayo ni crush. Biruin mo, magkapitbahay lang pala kami at ngayon ko lang nalaman ha. Pero malayo-layo ang sa amin. Hinatid ako niya kasi madilim na raw, at baka mapano pa ako. Ang concern pala niya, nakakakilig :"). Nagkwentuhan kami about sa aming mga gusto. Pero sad to say hindi kami pareho. Mahilig siya sa anime at ako mahilig sa korean drams. Gusto niya ng rock songs samantalang ako mas gusto ang love songs. Love niya ang math pero hate ko ang math. Love ko ang English pero hate niya yun. Ang galing di ba kasi hindi kami magkaparehas. Pero sabi nga nila opposite attracts soooo may pag-asa pa ako hahahah :D Nakarating na kami sa compound namin.
"Thank you sa paghatid Kaye."
"Walang anuman baka kasi mapano ka. Nag-aalala lang ako." ang tamis ng ngiti niya. MAs lalao siyang gumagwapo.
"Pasok na ako ha. Bye, mag-ingat ka." nakangiting sabi ko.
Ang saya ng araw na ito. Mas lalo kung nakilala siya yung mga gusto niya at mga hindi. At may bonus pa, hinatid niya ako weeeeeeeeeeee :"> Sana palaging ganito ano. Yung nag-uusap at tumatawa kami pero gustuhin ko man ay malabo itong mangyari. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Kinuha ko ang phone at ang daming messages. Mga 20 messages, mga GM ang karamihan. May isang pm at unknown ang number.
"Sino kaya ito?" bulong ko sa sarili.
Nagreply ako sa kanya. Ito ang aming convo:
Ako: Sino to?
Unknown #: Crush mo
Ako: Huh? Wala akong crush
Unknown #: Whe? Ako nga crush mo ano haha :D
Ako: Ewan ko sa iyo.
Unknown #: *Blank Message*
Ako: Ano ba?
Unknown #:Hi :)
Yun lang? nagtext para ipaalam na crush ko siya. Mga tao talaga nowadays, walang magawa sa buhay kundi manloko hays. Nagbasa na lang ako ng libro para mawala ang inis ko sa "unknown number".
KAYE'S POV:
Pagkatapos ko siyang ihatid ay dumiritso na ako sa bahay namin. Nagluluto na ng hapunan si mommy. Nagmano ako sa kanya at umakyat na sa itaas.
"Napagabi ka yata John?" sabi ni mommy. John ang tawag niya sa akin kasi ayaw niya ng Kaye kasi parang babae daw.
"May ginawa lang po sa school." pagpapaliwanag ko. Baka kasi anong isipin niya kaya nagdahilan na lang ako. Ang totoo hinatid ko si Lewis kaya medyo natagalan ako.
Umakyat na ako at kinuha ko ang papel na ibinigay sa akin ni Argiel kanina. At inilipat ko na ang numero sa contacts ko. Itetext ko kaya siya? Baka busy. Ayokong makadistorbo sa kanya. Wala namang masama kung magtry ka diba. So nagtext ako sa kanya.
Ako: Lewis :)
Lewis: Sino to?
Anong irereply ko? Biruin ko nalnag, sasabihin kung crush mo haha :D
Ako: Crush mo.
Lewis: Huh? Wala akong crush
Ako: Whe?Ako nga crush mo ano haha :D
Lewis: Ewan ko sa iyo.
Mukhang nainis yata. Nagsend lang ako ng blank message. Nagreply siya at sinabi ko na HI :). Pero hindi na siya nagreply, tawagan ko na lang kaya. Baka mas laong mainis siya kaya hindi ko na lang siya kinulit pa. Bukas ko nalang sasabihin sa kanya na ako yung nagtext sa kanya kagabi. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Mag fb muna ako, titingnan ko profile niya.
Loading.......
Ay ito na. Hindi pa pala kami friend sa fb kaya inadd ko siya. Ang ganda niya sa pp. Ang cute talaga ng smile niya. "KILLER SMILE" kung tawagin ko kasi mas lalo kaong nahuhumaling sa kanya. Mas laol siyang gumaganda kapag tumatawa. Ang dami niyang mga timeline photos. Mahilig pala siyang magtake ng pictures. Ang vain niya rin hahah sssh. Isinave ko ang pic niya, gagawin ko itong wallpaper sa cp ko. Ang ganda niya ♥.♥
************************************************************************************************************
FOLLOW ME ON TWITTER: @leislaaay
BINABASA MO ANG
INLOVE ♥
Teen FictionMasarap ang ma inlove. Kumbaga nagbibigay ito ng inspiration sa atin. Nagpapakilig at napapataba sa ating mga puso. Yung tipong tinititigan ka niya hayyyy nakakilig talaga :"""> May crush ka at inlove ka sa kanya pero hindi niya alam at hindi ka niy...