STUDY AREA

32 8 4
                                    

CHAPTER VI

Ang haba ng araw ko ngayon. Ang daming assignments na ibinigay ng mga teachers hayss -,- Buti nalang maaga kaming pinalabas ngayon kasi may meeting lahat ng teachers so mag stambay muna ako dito sa study area. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama ang bestie ko? Dahil may formation siya sa kanyang mga applicants sa CAT (Citizens' Advancement Training). Mag-isa na naman ako dito, magmumukha na naman akong ewan dito '.' Nagbabasa ako ng libro ng bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko.

"Sino kaya yun?" bulong ko sa sarili ko habang patuloy na nagbabasa. Parang kung may ano sa sarili ko na nag udyok na tingnan kung sino ang nakaupo sa tabi ko. Hindi ko natiis kaya sumilip ako. My God! Si Kaye pala. Anong gagawin ko? Magpapanggap nalang ako na hindi ko siya na pansin? o ano? 

"Eheeem." napatigil ako sa pagbasa at tumingin sa kanya. Ang ganda pala ng mga mata niya, may mahahabang pilik. Parang babae itong crush ko haha ang gwapo niya.

"K---aye" ang lakas ng pintig ng puso ko, para bang lalabas na.

"Okay ka lang? Mukhang may lagnat ka yata, namumula ka kasi. Mainit ka siguro" sabay hawak sa noo ko.

"Wa-wala naman akong lagnat. Mainit lang kaninang hapon baka nagkarashes ako." pagtanggi ko at yumuko. Nakakahiya talaga huhubells

"Ah, kaya pala. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umuwi?" oy concern yata sya sa akin hmmm kinikilig ako ;"")

"Hinihintay ko si Kym. Ikaw?" hinihinatay siguro niya yung barkada niya. Pero ang alam ko, mag-isa lang siyang umuwi.

"Wala lang. Ayoko pa kasing umuwi hihi" patawang sabi niya. Ang saya-sayang pakinggan ang tawa nya, parang musika sa aking pandinig ~(@^_^@)~ Siya namang pagdating ni Kym. Panirang moment talaga ang babaeng ito hahahjk.

"Akala ko uuwi ka na bestie!" ang tingin ng bestie ko parang may ipinapahiwatig ito. Para bang nanunukso.

"Hi-hindi hinihintay kita. Lika na bestie" sabay kuha ng bag ko. Sayang mag-uusap pa sana kami pero uuwi na ako. Nagpaalam na ako kay Kaye.

"Kaye, mauna na ako sa iyo. Byeers :)." binigyan niya ako ng pagkatamis-tamis na ngiti at umalis na rin ako baka mahimatay na ako.

Umuwi ako ng may malaking ngiti sa mukha. Ang saya-saya ko kasi napansin niya na ako at parang magkaibigan na kami haha ang feeling ko lang. Pati mama ko nagtaka kung bakit ang laki ng ngiti ko, hindi ko nalang siya pinansin. Pagpasok ko sa kwarto, wala pa ang ate ko. Mag-aaral muna ako bago gagawa ng assignments kasi mataas taas ang imememorize sa economics. Sa dami nila ay nakatulog na ako zzz.

************************************************************************************************************

Thank you po sa mga readers specially kay Rizza Flores :)

INLOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon