CHAPTER XIII
"Saan tayo pupunta Kaye?" ang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. Nagtataka na kasi ako kung saan niya ako dadalhin. Kanina pa kami lakad ng lakad pero hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Nahihiya naman akong magtanong kasi sa kanaya baka sabihin niyang hindi ako makapaghintay. Nalibot na siguro namin lahat ng lugar dito sa amin pero hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Hanggang sa tumigil siyang maglakad at tumingin siya sa akin. Nakatingin ako sa paligid, ang ganda. Ang daming bulaklak. Para itong isang paraiso na natutubuan ng iba't ibang bulaklak.
"Nandito tayo sa garden namin. Maganda dito, sariwa ang hangin, makakisip ka ng matino at tahimik. Nagustuhan mo ba?" ang tanong niya sa akin. Sino ba ang ayaw dito? Ang ganda-ganda para akong nasa paraiso. May iba't ibang klase ng bulaklak, mayroong tulips, roses, marygold, gumamela, at ang pinakapaborito ko sa lahat ay itong daisy. Ang ganda ng mga daisy na ito lalo na ang kulay pink.
"Oo, nagustuhan ko Kaye. Ang ganda dito. Bakit mo ako dinala dito?" bigla kong naitanong sa kanya. Hindi siya sumagot at inakay ako papunta sa isang kubo. Pagpasok namin sa kubo ay kaagad niyang binuksan ang bintana, kung saan nalalanghap namin ang sariwang hangin.
"Dinala kita dito dahil gusto kung makita mo itong garden na ito. Gusto kong sabihin sa iyo na kagaya ka ng mga bulaklak dito maganda at may sariling katangian." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Wala akong masabi. Speechless ako. Ang mga tingin niya ay nakakatunaw, wala akong masabi, hanep! :'> Kinuha niya ang basket na nakalagay sa isang table at binuksan niya ito.
"Nagluto ako ng makakain dito kaninang umaga, halika tikman mo itong adobong niluto ko, specialty ko to ^_^." sabay subo sa akin. Ang sarap, masasabi kong di pangkaraniwan ang adobo niya.
"Ang sarap nito Kaye, ang galing mong magluto ah!" sabi ko habang ninanamnam ang sarap ng kanyang adobo.
"Talaga? Masarap? Pinaghirapan ko yan dahil para sa iyo."
"Nakakatouch ka naman Kaye :)" sabi ko.
"Osge, kumain ka pa. Marami akong putaheng naluto, may pansit diyan, pritong isda at nilagang baboy. Balita ko kasi malakas kang kumain XD" tumawa pa ito ng bahagya. Napalunok tuloy ako sa kinain ko. Ano ba! Nakakahiya naman ito sa kanya.
"Oyy hindi ah, sadyang nagutom lang ako kanina."Ang layo kasi nitong pinuntahan natin hee :D" patawa kong sabi at nagpatuloy kumain. Hindi na ako umimik at maging siya ay tahimik na. Napapansin kung tumitingin siya habang kumakain ako. Ang awkward nito. Ayokong may tumitingin sa akin habang kumakain lalo na kung gutom ako.
"Ahm Kaye, bakit nakatingin ka? May dumi ba mukha ko?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nakakaaliw ka kasing tingnan :D"
"Ang lakas mo kasing sumubo hahah XD." ayy pwedeng mamatay na huhu -_- kasi naman eh nagugutom talaga ako.
"Pasensya na ha? Gutom kasi ako, kumain ka na diyan. Huwag mo akong tingnan ng ganyan kasi naiilang ako."
"Ang cute mo kasi, I can't help it." sabay kindat. Ngumiti lang ako para itago ang sumasabog ang dibdib ko. waaaaaaaaaah :"> Tinapos ko na agad ang pagkain ko baka mainip itong isa. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan kami ng kahit ano. Sa gitna ng pag-uusap namin ay pumitas siya ng gumamela. Nilagay niya ito sa kaliwang tenga ko. I was shocked.
"Para kang si Rosalinda, Lewis" tawa-tawang niyang sabi sa akin. Ano bang nakain nito at nilagyan ako ng gumamela? Hmmm. Tatanggalin ko na san ng bigla niyang pigilan.
"Huwag mong tanggalin, maganda ka :)" nakangiti niyang sabi sa akin. Maganda pala ako sa paningin nya? Waaaaah!!! :"">
"Ang pangit-pangit ko ngang tingnan!"
"Hindi nga! Sinong may sabi sa'yo nyan at suntukin ko!
"Susuntukin mo talaga? Huwag na." sabi ko at nagsmile sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang aking mukha at nakatingin siya sa aking mga mata. Pero iniiwas ko ang paningin at tumingin tingin ako sa paligid.
"Tumingin ka sa akin Lewis." sabi niya. Nahihiya ako, kaya yumuko nalang ako. Pero itinaas niya ang mukha ko at nagsalita siya.
"Lewis maganda ka. Kahit nakapikit ako, nakikita ko pa rin yung maganda mong mukha." ngumiti siya sa akin. OMG talaga ito. Baka may gusto na siya sa akin? Di niya naman ako dadalhin dito kung wala siyang gusto. Ewan ko.
"Ahh salamat Kaye, gwapo ka rin naman hehe :D" sabi ko. Tumayo na kami at nagsimula na kaming maglakad pauwi. Habang naglalakad kami ay umakbay siya sa akin pero saglit lang iyon at tinanggal na niya. Ano kayang ibig sabihin nito? Naguguluhan na ako. Ayokong maging assuming baka kasi normal lang ito para sa kanya. Baka masyado lang akong assuming. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating na kami sa bahay ko.
"Lewis, thank you talaga ha? Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw na 'to." sabay yakap sa akin at binitiwan niya agad ako. That was my first hug from a boy except for my family. Like OMG! :'>
"Thank you rin Kaye. Nag-enjoy ako supeeeer! Ang sarap ng luto mo at ang ganda dun" pagpapasalamat ko sa kanya. Pumasok na ako sa gate at nagpaalam na sa kanya.Nag-enjoy talaga ako sa company niya. Funny kasi siya eh :) Kaya habang tumatagal, lalong lumalalim ang aking nararamdaman para sa kanya. Sana maulit pa itong araw na ito. Ang saya ko :)))))))))))))))).
"Thank you talaga Lord, sa araw na ito. Sa mga biyaya mong binibigay sa akin at sa amin. At thank you ng marami dahil magkasama kami kanina. AMEN." Pagkatapos magdasal ay pinatay ko na ang ilaw at natulog.
KAYE'S POV
"Anak, nakauwi ka na pala. Happy birthday John." bati sa akin ni mama.
"Thank you Ma :) Kompleto na ang aking birthday ma, wala na akong ihihiling pa." sabi ko at nagmano na at umakyat sa itaas. Napagod ako pero sulit ang araw na ito. Dapat kasi kasama ko ang family ko, usually pag kaarawan ko ay pupunta kami sa isang resort at dun ididiwang. Pero ngayon mas pinili kung magdiwang na lang dito sa bahay at ang maksama siya. Hindi ko sinabi sa kanya na kaarawan ko ngayon dahil ayokong malaman niya. Gusto kong maging memorable ang birthday ko kasama siya. Kaya nag thank you talaga ako kay Lord, kasi wala na akong mahihiling dahil nakasama ko na siya at parang birthday gift na ito para sa akin.
"Thank you talaga Jesus, sa araw na ito. Binigyan mo ako ng panibagong buhay at kasama siya. Thank you :)".
BINABASA MO ANG
INLOVE ♥
Teen FictionMasarap ang ma inlove. Kumbaga nagbibigay ito ng inspiration sa atin. Nagpapakilig at napapataba sa ating mga puso. Yung tipong tinititigan ka niya hayyyy nakakilig talaga :"""> May crush ka at inlove ka sa kanya pero hindi niya alam at hindi ka niy...