Unknown Number

27 5 0
                                    

CHAPTER IX

"Sino ba yang katext mo? Kanina ka pa hawak ng hawak sa celpon mo ah." tukso nila sa akin. Kanina ko pa kasi inaantay ang reply ng unknown number na nagtext sa akin kagabi. Nacurious kasi ako kung sino ang nag text hehe ^_^

"Wala. May hinihintay na reply, may nagtext kasi sa akin kagabi at hindi ko kilala." paliwanag ko sa kanila. Tanungin ko kaya sila kung kilala ba nila nag number na ito. Baka kilala nila ito. Tinanong ko si Kym kung may humingi ba sa kanya ng number ko, pero wala daw. Sino ba kasi ito. Feel ko lalaki ito kasi sabi niya crush ko daw siya haha. Tanungin ko kaya si Cacai kasi famous ito, maraming kaibigan kahit sa iba't ibang section. Baka kilala niya itong number. Pinuntahaan ko si Cacai, kasama niya si Gilbert, ang boyfriend nya.

"Cai, pwede ka maabala sandali?"

"Ano ba yan?"

"Ahm. Kilala mo ba ang number na ito? tanong ko sa kanya at sinabi ka agad ang mga numero.

"Pakiulit mo nga ang numbers." Inulit ko naman.

"Ayyy si ano ito si Kaye, ayieeeeeeeeee XD." nagpasalamat ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung reaction. Nashock ako sa mga pangyayari, ang bilis parang isang kisap mata. Kahapon inihatid niya ako tapos siya itong nagtext sa akn . Saan kaya siya humingi ng number ko hmm. Bakit kaya humingi siya? Baka... hindi. Hindi malabo yung mangyari baka gusto lang niya akong maging matalik na kaibigan. Hindi ako dapat magbigay ng malisya sa aming relasyon. Hindi talaga ako makapaniwala. Itetext ko kaya siya na alam ko na kung sino siya. Kinuha ko ang phone ko at nagsimula ng magtype.

"Alam ko na kung sino ka :)." send it now or cancel? nahihiya ako baka sabihin niya na nagpapansin ako. Binura ko na lang ito at nagtype ng bago.

"Hi Kaye." okay lang ba ito? Ito nalang kaya, mas pormal at walang smile, baka isipin niyang masaya ako dahil siya yun. I press the SEND BUTTON. Pumikit pa ako sa pagsend kasi nahihiya ako sa kanya. Sana Lord di ako mapahiya huhuhu TT. Ilang minuto ay nagvibrate na ito. Hindi ko muna binasa. Kasi magsisimula na ang susunod naming klase, so byebye phone muna.

************************************************************************************************************

Good Evening sa inyo. Sana magustuhan niyo ang story. Maraming thank you talaga sa lahat ng bumasa :)))))

INLOVE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon