CHAPTER V
KATHRYN:
“Kathryn, yung mga nasa VIP, mga lalaki, Cute Boys!” Sabi ni Ate Da, handler ko.
Sumilip naman ako,
WHAAAAAT? SILA?
Yung cute guy sa simbahan and yung friends nya, wala nga lang yung girlfriend nya.
--
“So call me maybe…” Pagtatapos ko sa kanta ko
“WHAAAAAAAAAAAAAAAAH” Sigaw nung mga tao
“WHOOO! GALING MO KATHRYN!!!!” Sigaw nung isang kasama nung cute guy. Si Mr. Daniel naman, hindi man lang natawa. Nangiti, a bit. Pero, baka hindi ko talaga sya fan, sinamahan lang nya yung friend nya.
“Hello po sainyong lahat! Magandang Hapon.” Sabi ko
“WHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Sigaw ulit nung mga tao.
“Pasensya napo kung pinag-antay ko kayo, may inasikaso lang po kasi. Salamat sa lahat nang pumunta!” Sabi ko
Sumayaw pa ako, tapos kumanta ulit, Superstar ni Taylor Swift
Bababa sana ako doon sa may VIP’s eh, kaso nagkaroon ng Stampede. So, hindi na natuloy
--
DANIEL:
“Kuya, She’s so beautiful talaga! Nakita ko sya from second floor.” Janella
“Ang ingay mo, Janella, matulog ka na, may pasok na tayo bukas.” Sabi ko sakanya at agad na umakyat sa kwarto nya
“anak.” Tawag ni Mama
“Ma, bakit?” Sabi ko at lumapit sakanya sa Kitchen
“Anak, bakit? Bakit cold ka padin?” Tanong saakin ni Mama
“Ma, naman.” Sabi ko
“Anak, hindi lahat ng tao sasaktan ka, hindi naman tama na cold ka salahat ng tao.” Paliwanag ni Mama
“Ma, alam ko, pero gusto ko na ang taong mamahalin ko, kilalang-kilala ko, at alam kong mapagtyatyagaan ang ugali ko.” Sabi ko.
“Anak, hindi lahat kagaya ng Tatay mo, ng tatay nyo ni Ella(Janella).” Mama
“Ma, tama na. Matutulog na ako, maaga pa kami bukas.” Sabi ko kay Mama bago humalik sa pisngi nya.
Lahat ng iyak ni Mama, nakita ko. Lahat ng pinagdaanan nya, nakita ko.
Kaya ako ganito, COLD as ICE. Kasi ayokong mangyari saakin yung nangyari kay Mama.
Ang alam ni Janella, nagkasakit lang si Mama kaya kami tumigil muna doon sa Tita namin sa Batanes before. Pero ang totoo, na-depress si Mama at gumamit ng bawal na gamot. Naging suicidal din sya, kaya pina-rehab nila Lola. Nakulong din sya for 3 years.
Alam kong hindi naman ako yung dumanas non, pero, lahat naman siguro, ang weakness yung Nanay nila.
--
KATHRYN:
Green Rose Academy
“Couz, ito na ang school natin.” Miles
Si Miles ang pinsan ko, sya lang ang nakaka-alam na ako si Kathryn Bernardo.
Dito kasi sa GRA, ako si Chandria Manuel. Sinabi na din ni Mommy na keep private ang pag-aaral ko dito. Naka-disguise ako ngayon, nagpabraces ako then glasses, actually, Malabo naman talaga ang mata ko eh. Pati naglalagay din ako ng fake na kilay.
“Chandria Manuel, welcome to Green Rose Academy!” Sigaw ni Miles
Agad namang nagbulungan yung mga nasa paligid.
“Who’s that nerd?”
“Bakit nya kasama yung bestfriend ng Serendipity?”
“New Girl huh.”
“For sure, di rin nya kakayanin ang coldness ni Ice. Aalis din yan.”
“Couz, hayaan mo na yan. Wala lang magawa yang mga yan.” Miles
“Ayos lang, sanay ako dyan.” Sabi ko kay Miles
Para saan pa’t naging artista ako, diba? I know the art of Dedma. Tita Kris taught me.
“Papakilala kita sa mga kaibigan ko dito. Tara sa room.” Miles
--
“Cha, Lester, Kats, Seth and uhmm.. JC.” Miles
I can’t believe this! Sila yun! Sila! Yung friends ni Mr. Cute Guy sa simbahan na Hinolding-Hands ko! Also known as Mr. Daniel
“Hi, Lester Giri.” Yung Fan ko
“Katsumi Kabe” Yung guy na nakasalamin
“Seth Gothico” Yung guy na kulot
“No need, I know you, JC Padilla, diba? Ex ng pinsan ko.” Sabi ko
“Chandria Manuel nga pala.” Sabi ko sakanila