Chapter XLII

5.1K 106 11
                                    

KATHRYN:

Kailangan ko syang layuan. Para hindi na masakit para saakin na tapusin ang namamagitan saamin kapag nalaman na nya o nina Mama na kapatid ko sya.

"Sis, hindi mo pa naman sure diba?" Juls

"Pero, Juls... Alam mo naman diba? Ayokong mas masaktan pa sya."

"Hindi mo pa ba sinasaktan nyan? Ikaw din naman, nasasaktan." Juls

"Kailangan, Juls. Kailangan kong masanay na wala sya. Kailangan nyang masanay na wala ako."

"Wala akong magagawa dyan. Destiny na ang gumawa ng paraan" Juls

"Ayokong paasahin sya na meron pang kami kung sa umpisa pa lang, hindi na pwede."

"Ssssh. Tahan na, Kath."

--

DANIEL:

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Nag-exams na kami at si Kathryn ay busy na. Minsan na nga lang kami magkita eh. Hindi ko din maintindihan kung bakit madalang na lang syang nagtetext saakin. Hindi ko na alam kung bakit sya ganun. Kung may nagawa ba akong mali o ano.

"Ice! Pupunta ba si Kath sa Christmas Party?" Kats

"Ewan"

"Tawagan mo kaya" Seth

"Ayaw"

"Sino pa bang pwedeng tumawag sakanya bukod sayo?" Jc

"Miles"

"Kuya, you're sooo annoying." Janella

"WALA KANG PAKIELAM! HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!!!"

"Ice.. Huminahon ka, kapatid mo yan" Axel

"Mabuti pa, umakyat ka muna sa taas, bro. Magpalamig ka ng ulo" Lester

Habang papanik ako, narinig ko padin yung usapan nila

"Bakit ba kasi hindi ma-contact si Kath?" Dae

"Di ko nga din alam eh. Di naman sa bahay nila nagtitigil. Doon kanila Juls. " Miles

"Tawagan mo kaya si Ate Julia?" Jane

"I've tried. Nasa taping sya sa umaga at hindi din nya alam kung saan nagpupunta si Kathryn" Miles

She's Kathryn Bernardo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon