CHAPTER XII
KATHRYN:
“Wala akong pakielam. Saakin padin naman ang huling halakhak.” At may biglang bumuhos na kulay violet na liquid saakin.
SHT! Pinagplanuhan nila! Paano ako lalabas nito? Eh puti pa naman yung uniform.
“Cha? Cha? Andyan ka pa? Masama ba tyan mo?” Ice
“May problema kasi Dj.”
“Ano? Sanitary Napkin? Tinagos ka?” Ice
“ICEEEE. Not that.”
“Lumabas ka kaya! Nagbell na oh!” Sigaw ni Ice.
Lumabas naman ako, at nakita ko yung itsura ko salamin, mukha akong Pou na violet.
“Sinong may gawa nyan sayo?!” Sigaw ni Ice
Sumisigaw na naman sya… Nakakatakot.
“W—wala akong alam. Wala akong damit na extra.” Sabi ko.
“Maligo ka na dyan, may dala akong pants para sa practice eh. Sige na.” Ice
Member kasi si Ice ng Varsity. Basketball Team. Sporty yan eh.
--
After kong magbihis, nilagay muna namin ni Ice yung uniform sa locker. Ang lagkit grabe!
“Ayos ka na ba talaga?” Ice
“Yes, Mr. Ford. “ Sabi ko sakanya
Yung jogging pants, ayos naman, medyo mahaba nga lang ng konti, pero yung shirt, syete! May surname nya.
“Aba, hindi ka pala si Miss Manuel ngayon. Ford ka ngayon.” Sabi ni Ice saakin.
Hinampas ko naman sya.
“Nakakainis ka!” Sabi ko.
Kumatok muna kami sa room, kasi 30 minutes late kami. Syempre inayos ko muna yung disguise ko, bago magpakita kay Ice.
“Mr. Ford and Ms. Manuel, why are you late?” Teacher
“Miss, may emergency lang po.” Sagot ni Ice
“Okay, seat down. Hmm, Hindi ka na pala Miss Manuel, Chandria. Mrs. Ford ka na pala.” Teacher