Chapter XXV

6.4K 136 5
                                    

CHAPTER XXV

KATHRYN:

Pagdating ko kanila Katsumi… Ang daming basag na bote sa labas. Buti na lang, wala dito ang parents ni Kats, may business trip. Kaya mga Yaya lang ang nandito.

Pumasok naman ako sa loob. Amoy alak. Anobayan. Parang bar.

“Ate, saan po natulog sina Kats kagabi?” Tanong ko sa katulong nila Kats

Ay Doon iha. Bukasan mo na lang. Mga tulog pa eh. Nag-inom kasi kagabi. Napadami. Lalo na si Sir Ice. Mukhang problemado eh.” Yaya

Pumunta naman ako doon sa kwarto. Naka-bangon na sina Seth at Kats, nililigpit na nila yung hinigaan nila.

“Good Morning.” Matamlay kong bati sa dalawa.

“Morning, chands. Baba na kami ah? Kausapin mo yan si Ice. Baka lagnatin, maraming nainom eh.” Seth

Ge, chands.” Kats

Umupo ako sa kama. Sa tabi ni Dj.

Sinuklay ko yung buhok ni Deejay, mukhang stressed out sya. Nakakunot pa yung noo nya.

“Deejay…” Malambing kong sabi sakanya

“Deejay…” Tinapik tapik ko si Dj

Minulat naman nya yung mata nya.

At biglang umikot patalikod saakin.

Bakit ka andito?” Dj

Sinusundo ka po.”

Umalis ka na.” Sabi nya at nagtaklubong ng kumot.

Dj, nag-aalala na sina Tita Carla.”

Kaya kong umuwi mag-isa. Umalis ka na, baka inaantay ka ng boyfriend mo.” Dj

“Boyfriend? Wala ako nun.”

“Eh ano yung kagabi? Magki-kiss na kayo ni Lester!” Dj

“Huh? Anong kiss?” Kiss? Parang wala naman akong natatandaang ganun.

Pumikit ka pa nga. Gustong-gusto?” Dj

“Ah yun ba? Walang kiss, Deejay, 11:11 yun, nagwish ako!”

“Wish? Ganun kalapit ang mukha?” Dj

“Deejay, wala akong naramdamang humalik sa labi ko, okay?”

She's Kathryn Bernardo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon