THIRD PERSON'S:
Isa ito sa mga importanteng event sa buhay ng bawat tao.
"We're so proud of you, Kuya." Janella
Sabi ni Janella sa kanyang kuya bago ito lumakad para sa processional.
--
"Daniel John Ford Miraveles, Valedectorian." Emcee
"Guests, Faculty, Staffs, Board od Trustees, Friends, Parents and Co-graduates, Good Day to all of you. This is it. Ito na yun! The fruit of our hardwork. Lahat ng paghihirap natin sa high school ay tapos na. Pero, sabi nga, In every ending, a new chapter begins. Months ago, I have this someone, someone who's giving me advices, someone giving me guidance, someone who corrects my every wrong doing. Now, I know you are happy up there, Ma. Vali ako Ma! Para sayo to! Mahal na mahal kita..... But let us all remember that in just a snap, we loose everything, so we better work hard to achieve our goals. Thank you for the memories that will be forever written in our hearts." Daniel
"Seth Gothico, Salutatorian." Emcee
"Magandang Araw po saating lahat. Hindi ko akalain na makakatungtong ako sa ganitong posisyon, magsasalita sa harap nyo, pagkatapos ni Ice. Akala ko magiging isang simpleng high school graduate lang ako, pero may mga taong tinuruan akong mangarap at makamit iyon. Yun ang aking mga guro at mga kaibigan. May kaibigan akong nakasalamin, vain sa pagpapamacho, torpe, cold, madaldal, artista, conyo, officer, positive, mukhang manika at sporty. Minsan sila naman yung denial sa pag-ibig. Ayaw tanggapin na mahal pa nila ang isa't isa. Minsan sila yung ayaw tanggapin na may pag-asa pa. Minsan sila yung pinakamaingay, Minsan sila yung pinakaiyakin, lalo na nung namatay si Tita Carla. May ikukwneto ako sainyo, minsan may nakilala akong dalawang tao, nabago nung babae yung lalaking dating hindi ngumingiti at tumatawa, nabago nung lalaki yung babaeng dating takot maapi, nabago nila yung barkada na dating puro tawa lang, noon ay napalitan ng tunay na saya. Hindi ako andito sa harap nyo para ikwento ang love story nila, andito ako para malaman nyo kung ano ang natutunan ko sakanila. Hindi lahat ng bagay ipinaglalaban. Hindi lahat ng bagay dapat inintindi. Minsan dapat hindi lahat pinag-uusapan, baka mas lumala lang. Pero may plano ang Diyos para saatin, pero hindi excuse ito para hindi na tayo magsumikap.... Salamat at Congratulations sa ating lahat at sa mga magulang natin." Seth
--
Pagkatapos nung program... Nilapitan ni Daniel ang Papa nya.
"Pa, I am ready for New York." Daniel
"Sigurado ka na ba dyan?" Ken
"Opo, Pa." Daniel
"We'll be leaving in two days, magpaalam ka na sa mga kaibigan mo." Ken
--
GRADUATION PARTY NG BARKADA
"Ahm, guys, may sasabihin ako." Daniel
Lahat ay humarap sa kanya... Hindi kasama si Kathryn. May tabaho ito.
"I'm leaving later. For New York. Doon ako mag-aaral." Daniel
"uuuh. Sayang." JC
"Ingat, pare!" Axel
"Mamimiss ka namen." Seth
"Have a safe trip!" Dae
"Medium ako." Kats
"I'll miss you Kuya." Agad namang napaluha si Janella at niyakap ang kapatid nya.
--
Bago magpunta sa Airport, dumaan muna si Daniel sa Bahay ng mga MANUEL
"O, Daniel. Anong ginagawa mo dito? Wala si Kath, may taping." Min
"No po, Tita. Gusto ko lang pong magpaalam sainyo pati kanila Rain at Sky. Magpupunta na po ako sa New York, doon po ako magco-college." Daniel
"Mabuti na lang at iniwan ni Kathryn ang mga aso. Good Luck, Daniel. Sana ay pagbalik mo, kayo pa din ng anak ko." Min
Bumaba naman yung Yaya nila Kathryn buhat sina Sky at Rain, agad na tumakbo ito papunta kay Daniel.
"Babies. Namiss kayo ni Daddy. Mamimiss kayo ni Daddy. Mag-aaral lang sa New York si Daddy ha. Kayo nang bahala sa Mommy nyo. Wag kayong makulit masyado. Sumbong nyo saakin kapag may manliligaw kay Mommy." Tumahol naman ang mga aso na animoy naiintindihan ang mga sinasabi ni Daniel
"Sige po, Tita. Mauna na ako." Daniel
--
Nasa Airport na si Daniel at ilang sandali na lang ay tatawagin na ang flight nila.
Umaasa sya na sana makita o masulyapan man lang nya si Kathryn bago ito umalis.
"Makita lang kita, kahit di ka na magpakaawa na wag akong umalis, hindi na ako aalis." Daniel
Nag-intay sya ng ilang minuto at tinawag na ang flight nila ng kanyang Ama ngunit hindi nya nakita si Kathryn.
"Daniel. Oh Bakit?" Imbis na si Kathryn, si Tin ang nakita nya
"ate, mag-aaral lang ako sa New York, alagaan nyo si Kathryn ah. Pati sina Rain at Sky." Daniel
"Makaka-asa ka." Tin
--