Ako nga pala si Alyssa Valdez.
Isa akong volleyball player kaya ako nakapasok dito sa ATENEO Highschool dahil isa akong varsity.
Pero may isa pa akong talent yun ay ang pag gigitara at pagkanta pero sa bahay ko lang ginagawa kasi nahihiya ako.Parents at mga kapatid ko lang ang nakakaalam ng hidden talent ko.Maaga akong nagising kasi ngayon na pala ang unang araw ng pagpasok ko sa Ateneo. Nakakaexcite kasi sabi nila Highschool life is the best. Hahaha!
"Anak halika na kakain na at baka malate ka.Unang araw mo pa naman ngayon." sabi ng aking mama LITA CAYMO VALDEZ. Siya ang aking mabait at mapagmahal na mama. Isa siya elementary teacher.
"Good morning sa napakaganda kong mama." sabay halik sa kanyang pisngi.
"Naku! may gusto lang yan ma kaya siya ganyan." sabi naman ng kuya kong si Paulo ang panganay namin. Ako kasi ang bunso.
"Oo nga ma. Baka manghihingi lang yan ng malaking allowance." sabi naman ng isa ko pang kuya na si kuya Nicko.
Ganyan talaga yang mga kapatid kong yan. Pero mahal na mahal nila ako kasi nga ako yung bunso at ang kanilang unica hija. Hahaha!.
"Kayo talaga ang tatanda niyo na binubully niyo pa rin yang kapatid niyo.Bilisan nyo na Ly at Nicko ng maihatid ko na kayo." sabi ni papa. Siya naman po si RUEL ang aking masipag na papa.Siya naman ay isang Chef.Siya ang nagmamanage ng aming munting restaurant.
Pareho kami ni kuya Nicko na highschool. 4th yr. na siya.At si kuya Paulo naman ay 2nd yr. college na.Si kuya Pau dina yan kailangang ihatid kasi may sarili na yang kotse.
Binilisan na namin ang pagkain kasi baka malate na kami at mapagalitan pa kami ni papa.
"Ingat kayo ha. Nicko yang kapatid mo huwag mong pababayaan.Nagdadalaga na yan oh.". sabi ni mama.
"Oo naman ma.Hayaan mo pag may umaligid jan na lalaki,naku! ewan ko lang." sabi ni kuya sabay akbay sakin.
Humalik na lang ulit ako kay mama.Hindi na ako umimik kasi ibubully na naman nila ako.
YOU ARE READING
My First Love
FanfictionFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...