"Binibining Purgatoryo"

23 1 0
                                    


Sa pagpikit mo sana'y mahalin mo ako

Nakilala kita
Sa isang lingon natanaw ko ang ganda ng ulan

Narinig ko ang musika sa ingay ng lansangang kinatatayuan nitong mga paa ko--Kumpletuhin natin ang agwat lumapit ka mahal dito ka Kumpletuhin natin ang pagkukulang mahal dito ka

Dito ka sa tabi ko

-Pero Hindi-

Baliktarin man natin ang mundo

Gawing araw ang gabi--
Gabi nalang bago matulog iniisip ko gaano ba ko kahanda

Gaano tayo kahanda

Pumikit ako at nagtanong

Sumagot ang araw

Isang gabi nanaman ang nagdaan

Dala dala ko ang sakit ang lungkot

Ang sakit ang lungkot

Ang sakit ang lungkot ng reyalidad

Ang kailangan ko ay saya
ang kailangan ko pagmamahal

Ang kailangan ko ikaw—

Ang patunay

Sa magulong mundong puno ng mahika at ilusyon

Lumikha tayo ng patunay

Lumikha tayo ng paniniwalang tayo lang ang may alam

Lumikha tayo ng ako ng ikaw,
ng tayo,

Ng mga araw na nandito ka nakadantay sa aking mga braso't hawak ang aking mga kamay—
Natin ang magdidikta kung saan tayo pupunta

Hinding hindi ka mag-iisa

Bumalik ka sa akin mahal

Balikan mo--
Ang reyalidad

Balikan mo ang langit at lupa
Pagmasdan mo ang mundong iyong kinabibilangan

Ang mundong walang ako--
Nandito lang ako hihintayin kita

Sa pagpikit ng iyong mga mata kasabay ang pagputla ng mga labi mong kay pula

Pagmasdan mo ako

Halikan mo ang nilalang na ito

At 

Sa pagpikit mo sana'y Mahalin mo ako

-------------------------------------

Etheral|Form

Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now