"Papel"

19 1 0
                                    

Sa isang banda ako ay mahalagaAko ay kakailanganin mo talagaKung akala mo'y pagmamay-ari mo naAng totoo'y ako ay ipapamigay mo din pala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa isang banda ako ay mahalaga
Ako ay kakailanganin mo talaga
Kung akala mo'y pagmamay-ari mo na
Ang totoo'y ako ay ipapamigay mo din pala

Sa mga oras na ang ballpen ay buhay na buhay
Ang manunulat ang siyang gabay
Itong ballpen susulat katulong ang isang kamay
Sa akin ng kwentong minahal niyang tunay

Sa bawat kwento na mailathala
Ang daming tanong kay Bathala
Bakit po ba ganito parang siya'y nag walang-bahala?
Kapag ika'y sumulat ako'y nabubutas hindi maipagkakaila

Sa oras na dumikit ka na sa akin
Balat ko'y sobrang nasasaktan
Nasusulatan ng masakit na kasalukuyan
Mga sulat na ito sana'y mawala ng tuluyan

Kung sa akin lang ayaw ko nang masulatan
Ngunit ito ang silbe ko sa pangkalahatan
Ikaw itong ballpen na siyang nabiyayaan
Ikaw rin itong gumamit at ako'y pinabayaan

Ano nga ba iyong mapapala
Sa akin na walang kadala-dala
Masaktan at tuluyan pang sulatan
Ng kwento ng isang ballpen na
Siyang pinakanabangan at binigyan
ng bagong katauhan

Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now