Huwag Nalang

90 5 1
                                    

"Ang ganda naman ng simula ng araw ko
Patawanin kaya kita? Wag nalang
Kausapin kaya kita? Di bale nalang
Haranahin kaya kita? Sa susunod nalang

Hindi maintindihan bakit ba ang hirap
Hirap mo patawanin
Hirap mo kausapin
Hirap mo haranahin
Kahit pala gano ka kagaling mag basa
Hindi lahat ay kayang basahin

Minsan oo minsan hindi
Mga nangyayari'y kadalasang mali
Mga aksyon mistulang minamadali
Huwag ka na magbigay ng motibo para walang sawi

Ang sagwa ng simula ng araw ko
Tigilan ko kaya pagiging corny ko? Buti pa nga
Manahimik nalang kaya ako? Dapat nga
Itago ko nalang kaya gitara ko? Siguro nga

Hindi ka naman mahirap mahalin
Ngunit may oras na dapat piliin"

-EtherealForm


Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now