"Ulap"

30 2 0
                                    

Dito ako nakahimlay sa kalangitanPayapa pero may kaguluhanMahangin ngunit naiinitanPero sa iba puno ako ng kasiyahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dito ako nakahimlay sa kalangitan
Payapa pero may kaguluhan
Mahangin ngunit naiinitan
Pero sa iba puno ako ng kasiyahan

Ako ay bagay na tinitingala
Kilala ako kahit saan mag-gala
Ngunit ngayong sumapit ang dilim
Pag-tingin mo'y nawala na rin

Ngunit ano nga ba ako sa'yo?
Ako ba'y rason ng saya mo?
O ako ba ang pinagmumulan ng bagyo?
Ano nga ba silbi kong totoo?

Sana bituin din akong dapat abutin
Ngunit ano ang ulap para sungkitin
Hindi ako kauri mo para ika'y samahan
Ako'y tahimik na nagmamasid sa kalangitan

Ethereal|Form

Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now