"Iwan"

124 4 1
                                    

"Ilang taon nang nakalipas,
Damdamin ko sayo'y di pa kumukupas,
Gusto ko nang sumuko,
Bitawan na rin ang 'yong pangako

Di naman ako mangmang,
Siguro sa pag-ibig lang,
Di naman ako magaling tumula,
'to lang ang paraan kong makapagsalita

May gusto akong sabihin,
Di ko nga lang kayang diretsohin,
Mga nararamdamang di mawala-wala,
Masabi ito sa'yo mistulang himala

Masaya ka na sakanya,
Bat pa ako iintriga?
Makita lang kitang masaya,
Nakangiti na ako. Totoo nga ba?

Abot langit ngiti mo,
Sakin ano?
Kasama mo siya,
Ako naman mag-isa

Ang liwanag ng mundo niyo,
Kadiliman naman ang nababalot sa mundo ko,
Ang aliwalas ng 'yong pagkatao,
Akin, ang ulan hindi na huminto

Ano ba ang hihilingin ko?
Ibalik ang dati kahit nagpapakatorpe,
O Kalimutan nalang ang mga ito,
Pero kalimutan ang mga ginawa mo'y imposible"

-Xyjhin_Gray


Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now