"Salamat"/ "Hanggang Sa Muli"

53 3 0
                                    

Ngayon, magsisimula ako sa wakas
Kung saan maghihiwalay na ng landas
Hindi ako mamamaalam,
Hindi rin ako hindi magpaparamdam

Ikaw, ikaw ay naging parte na ng buhay ko
Sa likod nitong napaka gulong mundo
Nandiyan ka, nandiyan kayo
Nagbigay ng liwanag sa kadilimang ito

Eto na. Di ko alam kung paano sisimulan at kung paano ko tatapusin ang tulang ito
Pero eto lang alam ko
Naging mas masaya sa inaasahan ko ang taong ito
Sapagkat sa sampung buwan ko
Sa paaralang ito
Nakakatuwa at may guro akong katulad mo
Mahirap ang maging isang guro
Oo mahirap talaga. Sobrang hirap.
Guro ka kailangan mo ng mahabang pasensya sa mga pasyente mo o sa mga walang pakialam mong estudyante
Ang masasabi ko para sa iyo
Saludo ako sayo, salamat
Salamat at kinayanan mo
Alam kong masyadong mababaw ang  mga salitang ito
Pero walang makakatumbas nito
Wala akong pake sa sasabihin ng iba
Basta ang alam ko
Ito'y handog ko para sayo.
Ang sekyon nami'y kung tawagi'y "dead kid" okay wala kaming pakialam, dahil hindi naman totoo.
Ay wait, oo, siguro nga't may 'pagka' lang pero sandali, pagdating sa diskasyon
Pero asahan mong maasahan mo kami sa maraming bagay.

--
Sino ka ba? Para ka namang bata
Ako ba'y kayang makipaghalibilo sayo?
Kaya ko bang makisama sayo?
Pabigyan ng ilang araw, makikilala rin kita

Isang binibining nakaupo sa isang tabi
Seryoso ngunit may napaka gandang ngiti
Titigan ang mga matang akala mo'y nakikipag usap
Akala mo'y masungit pero madali palang kausap

Ang akala ay akala lang naman diba?
Ang tao'y di mahuhusgahan basta basta
Ipinakita ang saya sa pag-aaral ng Filipino
Napadali mo ang kahinaan ko

Nagbigay liwanag sa kadiliman
Ipinakita ang samin ang daan
Marapat naming tahakin
Ang daang itinuro niyo samin

Sana'y ang liwanag mo'y di kukupas,
Ang mga matang iyan na kumikinang na para bang mga bituin sa kalangitan
Wala sanang luha ang dadaan sa iyong mga pisngi
Sana'y laging makikita ang iyong napakagandang ngiti

Walang magsasabi ng paalam
Sapagkat magkikita tayo muli
Ika'y aming mahal, sana'y ito'y iyong alam
Tayo'y magkakasama, hanggang sa huli

Xyjhin_Gray ft. MJS
Inihahandog namin ang mga tulang ito sa aming Filipino Teacher at sa kanyang Student Teacher

Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now