"Muni-Muni"

80 3 0
                                    

Dalawang kwarto lang ang pagitan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang kwarto lang ang pagitan

Pero mistulang dalawang kilumetrong lakaran

Hindi mo ko kilala pero ikaw kilala ko

Hindi man buong pagkatao

Pero mas gusto kong makilala ka ng buo

Alam kong hindi ka interesado

Pero ako oo

Bigyan mo sana ko ng pagkakataon

Pagkakataong makipagkilala

Pagkakataong matanggalan ng hinala

At pagkakataong maalala

Dalawang kwarto lang ang pagitan

Pero mistulang dalawang kilumetrong lakaran

Distansya ay numero lamang

Ngunit kung bibigyang pagkakataon lamang

Ika'y kaibiganin ay hindi kayang tumbasan

Ng kahit anong numero o sukatan

Kahit gaano kalayo

Ako'y dadayo

Masamahan ka lang kung iyong gusto

Dalawang kwarto lang ang pagitan

Pero mistulang dalawang kilumetrong lakaran

Nakaklungkot man isipin pero ganyan nalang ang kalakaran

Langit ka lupa ako lagi nalang ganyan

Kahit kailan hindi tayo pwede maging magkaibigan

-Ethereal|Form


Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now