"Huwag Mo Siyang Mahalin"

23 2 0
                                    



Sa mga salitang binitiwan mo noong unang panahon,

Mahal mo siya

Tuwang-tuwa sa mga oras na makakasalubong sa kalsada

Masilayan ang kanyang napakagandang labi,pisngi,ilong at mata

Tinutunaw siya sa titig ng iyong mga mata

Sa gabi,hindi makatulog,pinapangarap na siya'y makatabi

Sa isang higaan,magkayakap at nag-uusap tungkol sa kung ano man ang

naging kwento ng kahapon

At sa pagdating ng umaga ang siyang paglisan ng pakielam ko sa pagsikat ng araw

Sa panandaliang pagpikit ng mga matang ito'y binalikan ko ang katotohanang nakatago sa kumot na ito--

Ito'y isang panaginip lang na ipinanalangin mong kailanman

ay sana hindi na matapos--

Sa muling pagdilat ay siyang pagkamatay ng pantasyang binuo ng hari at reyna

Bumalik tayo sa reyalidad

Matuwa sa mga oras na makasalubong at tunawin muli sa titig ng mga matang pagkalikot-likot

Titingnan muli ang kanyang kagandahan at mga positibong katangian

Paulit-ulit kong itatatak sa isipan ang katagang

"Walang taong perpekto" pero hindi

Ang sabi mo noon,mahal mo siya

Walang sawang maglalakad sa kalye kahit walang patutunguhan

makita mo lang kung gaano siya kaganda

Sino ba siya?

Sino ang nasa loob ng magarang kabaong na nakalatag sa iyong harapan--

Sa kaloob-looban niya? Sino ba siya?

Binusog mo ang utak mo sa panawid-gutom na ilusyon

Sa bawat pagsabi mo ng mahal mo siya
ang isang gasgas nalalamunang pinipilit maging kanais-nais ang lahat

Mahalin mo siya
Mahalin mo siya
Mahalin mo siya
HUWAG
Huwag mo siyang mahalin parang-awa mo na

Huwag mo siyang mahalin

Ang kailangan niya ay tanggapin

Sa bawat pagsabi mo ng mahal mo siya
Ang isang pusong nagiintay na tanggapin mo siya

Tanggapin mo na parang litratong ipininta,pansin ang bawat detalye sa buhay

kulayan man o hindi

Tanggap mo parang kape sa umaga,pinag-halong tamis at pait--

Ang siyang bubuhay sa'yo sa umagang lilipas din

Tanggapin mo ang liham na ito

Tanggapin mo siya

Tanggapin mo ang pagkukulang na maibibigay mo't iyong pupunan

Ihanda mo ang sarili mo

Hindi lang puting papel ang kailangan para maka-likha ng isang magandang

Storya ng pagmamahalan

Tanggapin mo ang kadiliman na dadating sa oras na mawala ang liwanag niya

Ang Siya

Mula sa sundalong nasawi sa digmaan ng daigdig,

Huwag mo siyang mahalin

-Ethereal|Form

-------

Midnight Poetry Sessions 5.2.16

Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now