Kwento ng Ating Pag-ibig

36 1 0
                                    

Nais kong masaksihan ang pag sikat ng araw
Ngunit ang nasa harapan ko'y mga bulalakaw
Ramdam ang lamig at ginaw
Hanap ang iyong init at sa paglingon mo'y uhaw

Hindi ko Nais na matanaw ka sa piling niya,sa piling ng iba|

Ramdam mo ang kaniyang bisig at ako'y nasa sulok ng iyong mg mata

Hindi ata mabisang gamot ang pagtakbo papalayo,

Dahil kahit Gaano man kahaba ang takbuhin ko, ibinabalik parin ako ng mga yapak ko sa iyo

Sa iyo natagpuan ang pinaka masayang hinanakit
Nalaman ang depenisyon ng hirap at sakit
Ang pagkakaiba ng pagmamahal at kilig

Nakita ang pag-asa na mamahalin muli
Sa iyo ko nalaman kung gaano kasarap ang umibig
Ang tamis at lambing na dala ng mga katagang mahal kita
Sa iyo narinig lahat ng kwentong pag-ibig
Ang mga storyang kailanman hindi magiging akin


-Ethereal|Form
    ft. Ming


Pages Of PoetryWhere stories live. Discover now