Choose me

79 10 20
                                        


Cheese above Cloud

-03 You

Choose me

Narration

[Yure na kara

Choose choose me hanasenaide

Don’t leave me naika naide

Nando kaseredemo

Uchibi nadare naiyo]

Nayakuko si Cloud habang bumabyahe ang dyipni kung saan siya sakay. Kakaunti ang tao roon subalit ramdam nila ang emosyong bumabalot kay Cloud dahil sa nangyaring komprotasyon kanila mula kay Japeh.

Alam niyang hindi tamang sabihin sa taong iyon ang lahat ng nalalaman niya subalit iyon na lamang ang natatanging paraang alam niya para mailayo si Japeh kay Ryuu.

***

“Kayo ni Ryuu. May relasyon kayong dalawa hindi ba?” inilihis ni Cloud ang mga mata. Ayaw niyang sagutin iyon. “Alam kong kayo na dahil sa singsing na ipinapakita niya ay maroon ka ring ganoon singsing.”

Hindi alam ni Cloud ang gagawin hanggang sa ituro ni Japeh ang dibdib niya.

Sa pagkakataong iyon alam ni Cloud na wala na siyang takas kaya inilabas niya ang kwintas. Isa iyong normal na kwintas na bakal subalit may singsing doon na kulay ginto at kahalintulad ng kay Ryuu.

“Sinasabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko.” Puno ng paghuhusga ang tingin ni Japeh ng mga sandaling iyon.

Makikita rin ang pandidiri at pangmamaliit kay Cloud ng mga tinging iyon na lalong nagpaliit sa nararamdaman ni Cloud.

Nagiinit ang kanyang pakiramdam alam niyang kinakabahan siya dahil si Japeh ang unang nakatuklas sa pangyayaring ito pero alam din niyang kailangan niyang sabihin ang mga mahahalagang bagay.

“Tama ka. Ang singsing na ito ay galing kay Ryuu.” May lungkot sa mga mata ni Cloud ng hawakan niya ang singsing na iyon.

Ang hindi niya alam nakikinig sa ‘di kalayuan ang nakatakda niyang pakasalan na si Queso. Nakatago sa gilid ng pader at hindi mapapansin ng sinoman sa kinalalagyan nina Cloud at Japeh ngayon. Hindi na rin naman nagtagal sa lugar na iyon si Queso. Hindi niya nagustuhan ang mga salitang naririnig at ang katotohanang narinig niya mula sa dalawa. Ayaw man niyang tanggapin, para sa kanya’y kasal na ang taong iniibig niya sa iba.

“Ibang klase.” Natawa ng nangiinsulto si Japeh. “Ang tagal na nating magkaibigan tapos papatulan mo ‘yong doktor? Ibang klase talaga. Hindi ko naisip na ganyan ka kababaw, Cloud. Nakakadiri.”

Sa huling salita ni Japeh bumagsak ang mga luha ni Cloud. Hindi niya napigilan ang bumuhos na emosyon. Alam rin niyang kapag may nakatuklas sa singsing ay siya ang unang masasaktan pero mas masakit palang marinig sa totoong kaibigan ang mga salitang pang-aalipusta na binitawan ni Japeh.

“Japeh magpapaliwanag ako.”

“Huwag na! Hindi ko kailangan ang paliwanag ng isang malanding kaibigan. Magsama kayo ng asawa mo!”

Tuluyan ng tinalikuran ni Japeh si Cloud at walang nagawa ang isa kundi ang tingnan na lamang ang kamaong nakakuom ni Japeh habang lumalayo ito.

****

Hindi ko na dapat isinuot ito.

Iyon ang naisip ni Cloud at muling tiningnan ang singsing na nakakuwintas.

Magagalit kaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa singsing?

Nilalaro na niya ang singsing ng huminto ang dyipney dahil may sasakay. Hindi na nagbigay-pansin si Cloud sa taong sumakay hanggang sa umandar ang dyipney at magsalita ang katapat na lalaki.

Cheese Above CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon