Cheese above Cloud
13- I Surrender
I surrender (part 2)
Narration
Isang linggo ang nakaraan mula noong maghiwalay ng landas sina Cloud at Queso at sa pagkakataong ito, nakakulong si Cloud sa isang silid kung saan walang ibang maaaring kumausap sa kanya kundi ang kanyang ama na siya ring nagpakulong dito. Wala ring ibang nakikita sa silid na iyon dahil isang maliit na bintana lamang ang nagsisilbing liwanag niya sa kadiliman ng kanyang silid.
Ito rin ang dahilan ni Cloud kung bakit ayaw niyang manatili sa bahay nilang may estilong hapones ang pagkakagawa.
Sabihin mang mabait ang kanyang mga magulang maging ang kanyang lola ay hindi pa rin binabali ng mga ito ang nakagawian na para sa kanilang pamilyang pangmafia. Disiplina pa rin ang nangunguna sa listahan ng kanilang pamilya at ang ginawang paglabag ni Cloud sa kasunduan niya sa kanyang mga magulang ang naging dahilan ng pag-iwan niya sa paaralang iyon.
Kasabay ng katotohanang hindi na niya makikita pa si Queso dahil nakakulong na siya sa kanyang sariling kwarto.
Kagat-kagat ang kanyang daliri habang naka-upo sa dakong sulok ng kanyang silid, matiim na tinitigan ni Cloud ang pintuan kung saan siya nagbabakasakaling may magbubukas noon para tingnan ang kanyang kalagayan. Subalit wala ni isang tunog na nagsasabing may tao sa labas ng silid.
“Queso.” Bulong niya sa sarili saka siya tumayo at lumapit sa pintuan. “Pakawalan n’yo na ako!” sigaw nito pero wala pa rin siyang nakaka-usap mula sa labas kaya naghintay pa siya ng ilang sandali bago niya tuluyang buksan ang pintuan.
Sa pagkakataong iyon ay nabuksan niya ang pintuan at nakalabas siya sa sariling silid. Nagtataka siya sa kapaligiran dahil wala siyang makitang kahit na sinong kasapi ng kanilang mafia family maliban kay Shota na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit naging kasapi ito nang kanilang mafia family.
“Shota.” Pagtawag niya dito. Tumayo naman si Shota at hinrapa siya.
“Boss.” Sagot nito saka bahagyang tumungo.
“Nasaan sina Lolo?” tanong ni Cloud na inilibot pa ang paningin sa buong lugar. Muli nitong iniligay ang kaliwang kamay sa kanyang bulsa saka tuluyang lumabas nang bahay at iniapak ang walang saplot na paa sa damuhan. “Nasaan ang lahat?”
“Nakikipaglaban sila ngayon sa lugar kung saan naroroon ang dahilan ng kahinaan mo, Boss.”
Bahagya pang nagtaka si Cloud sa kanyang narinig pero naunawaan din niyang ang tinutukoy ni Shota ay ang lugar kung saan naroroon si Queso. Dahil dito’y parang kumulo ang dugo ni Cloud at agad na pinukol ng masamang tingin si Shota.
“Nasaan sila?!” gigil na tanong ni Cloud pero sa halip na sumagot si Shota ay iginaya niya ang kamay papunta sa loob ng bahay. “Ginagago mo ba ako?!” muling sigaw ni Cloud.
“Hindi natin sila maabutan kung sasabihin ko lang sa’yo kung saan sila papunta. Mas mabuti kung sasakay tayo sa langit.”
Hindi na nag-abala pa si Cloud na sang-ayunan o iwaksi ang mga sinabi ni Shota sa halip ay dumeretsyo s’ya sa kabilang dulo ng kanilang malawak na pamamahay saka sumakay sa Hellicopter. Doon di’y nakaramdam siya ng matinding panankit ng ulo. Sapo-sapo na nan iya iyon ng walang kagatol-gatol na inabot ni Shota ang isang chocolate drink na ikinataka ni Cloud.
“Inumin mo.” Utos ni Shota na ikinataka pa rin ni Cloud.
“Bakit mo ito ginagawa? Hindi ba’t inutusan ka nilang bantayan ako?” kumabog ang puso ni Cloud nang makita niya ang mga mata ni Shota na parang maari nang pumatay.
“Kung ako ang Boss sa pagkakataong ito, at ang taong mahal ko ang aatakihin nila kahit pa alam kong walang laban ang mahal ko, ililigtas at ililigtas ko pa rin siya.” Bahagyang tumungo si Shota saka kinagat ang labi. “Hindi ko nagawang ipagtanggol s’ya kaya gawin mo lang karapatan mo bilang kasintahan niya.
Ayawan ka man niya sa pangalwa o pangatlong pagkakataon, huwag kang sumuko. Because I surrender when he said he’d like to die than to love me. Don’t make the same mistake, Cloud Arceo.”
“Kung nagawa ko lang ipakita sa kanya ang pagmamahal ko, hindi siya malalagay sa panganib at hindi siya mapupunta sa kamay ng iba. Kung nagawa ko lang ipaglaban s’ya hindi siya masasaktan ng ganito.”
“Sino ba ang tinutukoy mo, Shota.”
Ngumiti lamang si Shota saka tumingin sa labas ng bintana at humalumbaba.
“Ewan.”
Isang malakas na sigaw mula sa isang kabalyero ni Roan ang maririnig mula sa labas ng palasyo.
“Ano bang nangyayari Roan? Bakit nagkakagulo sa labas?” tanong ni Queso habang silang dalwa ni Roan ay dinadala pailalim ng palasyo na isa ring escape route kapag may ganitong delubyo.
Ang daang iyon ay patungo sa isang sekretong yungib na ilang metro ang layo mula sa tagiliran ng palasyo.
“I really don’t know but the reason that they’ve want us to pass through this is that we need to escape.”
“Saan? Kanino? Bakit? Ganoon ba sila kalakas?”
“I think so.”
Gigil na sinuntok ni Queso ang isang alalay saka tumakbo pabalik ng kanilang dinaanan. Sakto namang may pasabog silang narinig kaya hindi na sinubukan pang sundan ng mga alalay si Queso at mas ginustong protektahan ang buhay ng Reyna.
Ilang sandali pa’y nakarating na si Queso sa pinakatuktok nang daan at nakita niya ang naglalabang mga kabalyero na ang gamit ay espada at mga naka-tuxido na lalaki na ang hawak ay baril.
“Hanggang dito na lang kayo!” sigaw ng isang kabalyero pero hindi naman nagpatinag ang mga may hawak ng baril kaya nakipagpatibayan sila.
Hindi na nagawang mairehistro ni Queso sa kanyang utak ang mga pangyayari dahil sa isang iglap, isang matipunong kamay ang nagpawala sa kanya ng malay.
-----------27/03/2018
Vote and Comment
~runesaito.
Sensya na kung natagalan. Maraming nangyari pero heto na s’ya. Iiedit ko pa rin ang mga last chapter nito para magtugma-tugma pero hindi naman major editing so don’t worry. Thank You for being with us. Konti na lang babalik na ang lahat sa dati.
Kahit pa wala na rin ang AMING KESO sa Tavern.
BINABASA MO ANG
Cheese Above Cloud
Romance{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...
