Ice Breaker

57 7 10
                                    

Cheese Above Cloud

-05 Special

Ice Breaker

(Note: Ang parteng ito ay naglalaman ng mga “scenes” na hindi kasama sa tunay na estorya. Maari itong magpakilig, magpainis o masabi lang na may sumunod na chapter. Mapaiba naman.

#MangaType

~runesaito)

[sccene 1: Keso at Cloud 9]

Nakataas ang kilay ni Ryuu habang nakasuot ng salamin ng makita niyang may binubuksang bagay si Cloud.

“Oh ano ‘yang nasa kamay mo?”

Isusubo na sana ni Cloud ang hawak na bagay ng iharap niya ito kay Ryuu.

“Cloud nine.” Sagot ni Cloud.

“Bakit may puti sa ibabaw?”

Namula agad si Cloud ng banggitin iyon ni Ryuu.

Teka, bakit ganoon ang reaksyon niya, hindi kaya galing iyon kay Queso? As in sa loob ni Queso tapos—no no no. Hindi. Baka nagkakamali lang ako. Pero hindi naman masamang magtanong hindi ba?

“Ah, pare magtatanong lang. Galing ba ‘yan kay Mr. Marquise?”

Napa-ayos ng upo si Cloud saka dahan-dahang tumingin kay Ryuu.

“Ah.. Uhm.” Tumango pa ito.

Oh no no no! Imposible! Bakit how? Paanong... Imposible? Nag-ano sila tapos...

“Oh, ba’t ‘di ka mapakali d’yan.”

“Ha? Ah.. eh.”

Doon na nakahalata si Cloud.

“Pervert! Eto oh.” Itinaas ni Cloud ang isang bote ng puting melted cheese at ipinakita kay Ryuu. “Masarap siya sa Cloud 9. Contrast ang Sweet at Salty taste. Try mo. Galing kay Queso.”

Gustuhin man ni Ryuu na subukan kung totoong masarap ang sinasabing kombinasyon, naiimagine naman agad niya ang kumukulong dugo ni Queso kung sakaling kakagatin niya ang bagay na hawak ni Cloud.

“Ah. Ayos lang ako. Enjoy ka lang. Baka kasi kay Queso talaga ‘yan.” Sinadya ni Ryuu na ibulong na lang ang huling mga salita at hindi na nagtanong pa si Cloud.

“More for me then. Yum. Yum.”

[Scene 2: baby Milky Creamy]

Buhat ni Cloud ang anak na si MC habang kumakain ito sa kusina ng keso. Ang ilan ay ibinibigay niya sa anak subalit halos lahat ng nakapakete ay siya na ang umuubos.

“Cloud! Ano ‘yan?!” agad na bungad ng kadarating na si Queso ng makita ang gulo sa kusina kasama ng ilang mga kalat sa kanilang mukha.

“Ah, ano.. Ayaw kasi n’yang dumede kaya sinubukan ko ang lahat.”

“Tapos?”

Mukhang nagagalit ang house husband dahil sa ilang minutong nawala siya’y naging magulo na ang buong kusina.

Napatingin ang baby sa ama at ng makita nakakunot ang noo nito’y tuluyan itong umiyak.

Dahil sa biglaang pag-iyak hindi na magkanda-ugaga ang dalawa sa pagpapatahan dito hanggang sa subuan ulit ng keso ni Cloud ang anak.

“Shhh. MC. Eto oh, mas masarap ito.” Binigyan pa ni Cloud ang anak ng keso.

*giggles* muling tumawa ang bata at doon napangiti si Queso.

Cheese Above CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon