{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cheese above Cloud
-12 I surrender
Tingnan mo
Queso's PoV
Nakangiti ngayon si Cloud. Nakapasok na kami sa aming apatment at hindi namin kasama ngayon si Roan. Bumibili sila ni Ryuu ng makakain namin habang sinusundo nila si Japeh. Binalak rin naming dito na lang sila matulog kung sakali mang balikan kami ng lalaking iyon.
Ayaw kong isiping may posibilidad na balikan ako ng mga lalaking iyon ng narito si Cloud sa tabi ko. Hindi na niya dapat pang malaman ang nangyari kaninang umaga at ang pag-aalala ko kagabi. Sapat na sa aking narito siya sa aking tabi kaya naman yumakap ako sa kanya kahit pa nakatagilid siya sa akin dito sa sofa.
"Q-Queso?" nagtataka siya sa inaasal ko. "May masakit ba?"
Umiling ako saka ko ginawang unan ang hita niya. Hinimas naman niya ang buhok ko kaya nagawa kong ipikit ang aking mga mata.
"Sasama ako sa'yo Cloud. Kung kailan mo sasabihin sa mga magulang mo ang tungkol sa akin, sasama ako."
May kaba akong nararamdaman at pag-aalinlangan pero kailangan kong samahan si Cloud. Kailangan kong ipakitang 'atapang a tao' ako kahit pa duwag naman talaga ang Marquise na nasa loob nitong katawang ito.
"Sigurado ka na ba? Alam mo namang pwedeng-"
"Sasama ako." Iminulat ko na ang mga mata ko ng sabihin ko iyon. Bahagya ko ring hinimas ang pisngi niya para madama ang init niya.
"Queso..." muli kong tinitigan ang kanyang mata ng banggitin niya ang pangalan ko at ikinagulat ko ng halkan niya ang labi ko. "Mahal na mahal kita."
Parang natunaw ako ng marinig ko ang mga salitang iyon. Salita lang ang lahat ng iyon. Maaring totoo, maaaring hindi at alam ko ang totoo sa pagitan ng mga salitang iyon.
"Mahalaga ka sa akin Cloud. Sobra-sobra. Mahal kita."
Muli akong hinalikan ni Cloud at naramdaman kong gusto na nga niyang may mangyari sa amin. Gusto ko rin naman pero hindi ko iyon pinaunlakan. Sa halip ay sinabi kong pagod ako't gusto ko ng maligo dahil sa mga palakang nakapalibot sa akin kanina.