Clarity

31 5 11
                                    

Cheese above Cloud

-11 Clarity

Queso is Queso

[If our love means tragedy

why are you my remedy

If out love’s insanity

why are you my clarity]

Narration

“Buo na ang desisyon ko. Mahal ko si Queso.” Iyon ang mga salitang binitawan ni Cloud bago niya lingunin si Roan. “Where is he?”

Tumango lamang ang babae at hinikit ang braso ni Cloud papunta sa kinalalagyan ni Queso. Hindi naman nagpahuli si Ryuu at sumunod sa mga ito. Tulad ng pag-aalala niya kay Cloud ang pag-aalala niya para sa kasintahan nitong si Queso.

Dumating sila sa isang sementadong tulay at agad na isinigaw ni Cloud ang pangalan ni Queso gayon pa man walang nagsalita kaya tiningnan nito ang babae.

“Where is he?” mas madiin ang tono ng pananalita ni Cloud kaya mas tumango ang babae at nagpadulas sa putikang daan pababa ng tulay.

“Here, come on!”

Susunod na sana si Cloud ng pigilan siya ni Ryuu.

“Paano kung patibong ‘yan?”

“Wala akong paki-alam kung patibong ito, mas kailangan ako ni Queso.”

“Nababaliw ka na ba?!” noon na nagawang magtaas ng tono ni Ryuu saka niya hinawakan ang balikat ni Cloud para iharap ito sa kanya. “Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ngayon? Hindi mo ba nakikita ng dahil sa pagmamahal na ‘yan, magagawa mo ng ipahamak ang sarili mong buhay?”

Natigilan doon si Cloud pero hindi niya binigyan pa ng pagkakataon ang sunod na pangaral ni Ryuu sa halip ay nagpadausdos na rin siya sa putikan na dinaanan ni Roan.

Sa ibaba’y mayroong makipot na daan kung saan pupwedeng dumaan ang mga tao at doon nakita ni Cloud ang nakahandusay na katawan ni Queso. Halos madapa si Cloud sa pagpunta sa kinaroroonan ng kasintahan at ng marating niya ito ay agad niya itong niyakap.

“Queso, Queso!” puno ng kaba at pag-aalala ang tinig niya ngunit hindi nagsasalita si Queso. “Queso please, gumising ka.” Bulong nito nang yakapin na niya ang kasintahan.

“He needs you.” Malumanay na sambit ni Roan. “T-That... person. H-He did something to Ki. Something horrible.”

Muling nilingon ni Cloud si Roan at halatang nandidiri ito at natatakot. Dahil dito, inalarma ni Cloud ang sarili at napansin niya ang mga hayop na nakapalibot kay Queso na naging dahilan siguro ng pagkahimatay nito.

“Ki is... afraid of frogs. He’s traumatized by it. I-I don’t know how that person knows about it but... Ki, fainted.” Kita ang lungkot sa mukha ni Roan pero higit pa roon ay ang pag-aalala nito para kay Queso kasama ng paglihis pa ng kanyang tingin na parang sinasabing ayaw niyang makita ngayon ang kaibigan na nasa ganoong kalagayan.

Nag-aalala pa rin si Cloud kahit pa ganoong torture lamang ang nagawa ni Hiro sa kanyang kasintahan habang natawa naman si Ryuu.

“Takot? Sa palaka? Kawawa naman. Ang weak.”

Lalo pa itong humagalpak ng tawa ng mapansing nakasimangot na si Roan.

“I do understand the word weak and he’s not weak. Ki is the most awsome person I’ve ever know. He’s a shinning emerald from up above.” Pagtatanggol nito kay Queso. “But he’s still a human being. He has weakness and I admit that. He’s not perfect and he’s also fragile but he is Queso. He is himself.”

Cheese Above CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon