Cheese above Cloud
-09 Satisfied(Hamilton Musical)
SatisfiedCloud’s PoV
Nalilito ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ang babaeng iyon ay mas mahalaga para sa kanya. Gusto kong intindihin kung anong lebel niya sa puso ni Queso.
“Ang babaeng kadarating ay ang babaeng ipapakasal kay Queso. Ang babaeng iyon ay ang huling babaeng inibig niya bago ka pa dumating sa buhay niya.”
Oo nga pala. Nauna siya sa akin. Tama si sir Ryuu pero bakit hindi pa rin ako naniniwala? Bakit hindi ko pa rin magawang paniwalaan kahit pa nakikita ko na ngayon sa harapan kong mas gusto nga niyang kasama ang babaeng iyon?
“I’ll cook something for you. Do you prefer anything?”
“Anything is fine as long as it’s your cooking, Ki.”
Ki? Ki talaga? Bakit sobrang close nila? Bakit mas close pa yata sila sa mighty bond ng tadhana?
Pre, Cloud. Relax lang. Mas mahal ka niya kaysa sa babaeng ‘yon. Mahal ka n’on. Mahal ka n’on.
Fuck! Mahal nga ba ako ni Queso?
“Cloud, pwede bang bumili ka muna nito?” tiningnan ko ang inaabot n’yang listahan matapos n’yang manggaling sa kusina. “Wala ng stock.”
Anong paki-alam ko kung mamatay sa gutom ‘yang babaeng ‘yan?
Iyon ang gusto kong sabihin pero sa muli’t muli, hindi ko nagawa. Nakakainis na ang pag-ibig na ito’y hindi sapat para sa kanya kaya nagagawa niyang pagsilbihan na parang prinsesa ang babaeng ngayon ko lang nakilala at matagal ng nakaimprenta sa puso niya.
Bumibili na ako sa grocery store nang makasalubong ko si Japeh.
“Oh, ang dami n’yan ah. Kaya mo pa ba?”
Pakiramdam ko’y gusto kong sagutin ng normal ang tanong na iyon pero iba ang lumabas sa bibig ko.
“Hindi ko kaya. Pero kakayanin ko para sa relasyong iniisip kong may pag-asa.”
Parehas kaming natahimik dahil sa sinambit ko saka lamang nawala ang katahimikan ng tingnan ako ni Japeh mula paa hanggang ulo na parang sinisipat kung ako nga ba ito. Parehas kaming natawa sa ginawa niya saka niya ako tinulungan.
“Kung talagang mabigat na, may mga kaibigan kang pupwedeng tawagan para tumulong. Narito kami ni Ryuu para alalayan ka.”
Tama siya, kung hindi ko na kaya narito sila para tulungan ako. Nakakabakla talaga pero lalaki rin ako’t tao lang. Kailangan kong may pagsabihan ng mga nangyayari sa aking buhay lalo pa’t hindi ko na kayang solusyunan ang lahat ng ito mag-isa. Narito sila para tumulong at hindi sila ‘yong tipong mapanghusga.
Salamat Japeh.
Inihatid niya ako sa sakayan ng taxi at nang naroon na kami’y isang kotse ang pumara sa harap namin.
“Sakay.” Utos ng lalaking nagmamaneho. Kilala ko siya at alam kong problema na naman ang dala niya.
Gusto kong tumakbo pero alam kong nakita na niya si Japeh kaya siguradong gagamitin niya ito para lamang mapabalik ako sa kanya. Ganoon ang lagi niyang ginagawa. Sinasaktan ako at ginugulo ang buhay ng mga malapit sa akin.
Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Japeh.
Siguradong sasagutin niya ito kaya inihara ko na ang kamay ko para pigilan siya.
“Makikidala naman nito sa apartment. Salamat.” Ngumiti ako para sabihing ayos lang saka ako sumakay sa sasakyan.
Umandar ang kotse at nakita ko sa side mirror ang nagtatakang mukha ni Japeh.
BINABASA MO ANG
Cheese Above Cloud
Romance{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...