Cheese Above Cloud
[Isang tanong, isang sagot
Wala na ngang ikot-ikot
Gusto ko lang liwanagin
Ako ba'y mahal mo rin?]
Kasalukuyang naglalakad ang matipuno, malaki ang katawan, itim na patusok ang buhok, gwapo at habulin ng mga babae na si Cloud sa pasilyo ng kanilang eskwelahan. Nakapamulsa ang kaliwang kamay nito habang ang kanan ay may hawak na chocolate milk na dilaw ang kulay ng karton habang naglalakad at malalim ang iniisip. Sa kanyang paningin, nakikita niya ang mga tao sa paligid subalit hindi niya binibigyan ng pansin ang kakaunting estudyante ng pasilyong ito sa ikalwang palapag.
Kung titingnan sa malayuan, asta siyang mayabang kaya naman lahat ng nasa labas ng paaralan ay tinitingnan siya ng masama. Samantalang sa loob ng paaralang ito, lahat ay sa kanya humahanga.
Isa kasi si Cloud sa mga matatalinong binata, gwapo, at syempre walang sabit. Kahit pa hindi siya malapit sa edad ng mga kadalagahan at kabinataan sa eskwelahang pangkoleheyo na iyon, nagawa pa rin niyang mabansagang 'Heartrob' dahil sa akin nitong kabaitan.
"Ahhh.. ang gwapo talaga niya. Para siyang santo." Mula iyon sa isang babaeng kausap ang dalwa pang kaibigang babae.
Papalampas na rito si Cloud ngunit kahit ganoon siya kalapit ay hindi pa rin niya narinig ang sinabi ng dalaga dahil sa okupado ang kanyang isipan.
"Oo nga. Matalino at boyfriend material talaga." Sagot naman ng isa pa na nakasuot ng salamin.
"'Yun nga lang may bali-balitang nakuha na siya ng transfer student."
Sa mga huling salitang iyon nasamid si Cloud. Hinarap niya ang tatlong babae at pinandilatan ang mga ito.
"Anong sinabi n'yo?" kung tutuusi'y maihahalintulad na sa demonyo ang hitsura ng nalilisik na mata ni Cloud. Maging ang mukha niya'y maihahalintulad sa galit na demonyo subalit hindi iyon naging hadlang sa mga tagahanggang babae upang mahalin at tilian siya.
BINABASA MO ANG
Cheese Above Cloud
Romance{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...