Cheese above Cloud
-07 Sa kanya
Sigaw ng damdamin
Narration
[Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin sa kanya]
Tumakbo si Queso palabas ng AVR matapos ng pag-iyak sa nabasang sulat. Hindi na rin niya nagawang pansinin ang pagtawag ni Natty sa kanya. Sa halip ay tumakbo siya patungo sa rooftop. Ang mga nakakita sa kaniya’y nagtaka sa inastang pagtakbo ni Queso ngunit walang sinomang pumigil sa kanya.
Nang makarating sa rooftop ay muli niyang binasa ang sulat.
**Gusto kong sabihing tapos na ang nakalipas. Hindi na ako ang dating Cloud na nakilala at sa susunod na makita mo ako, ipapakilala ko na sa’yo ang totoong ako.**
Ang totoong siya? Ang totoong Cloud na nagmamahal sa doktor na iyon.
**Magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita.**
Gusto niyang magkita kami sa opisina ng doktor kung saan ko siya unang nakita. Siguradong gusto niyang ipakita kung gaano nila mahal ang isa’t-isa.
“Ito ba ang sagot mo, Cloud? Ganito mo ba ako palalayuin sa’yo?” Muling pinigil ni Queso ang pagluha at binasa ang huling mga salita sa sulat.
**Hihintayin kita, Keso.**
Sa mga salitang iyon bumagsak ang mga luha nito. Mababaw dahil naiyak lamang siya sa spelling ng pangalan niya sa tagalog. “Keso. Parang bagay. Pero... hindi na tayo ang bagay.”
Nanatili pa ng ilang minuto na mag-isa si Queso sa lugar na iyon hanggang sa bumukas ang pintuan at makita ni Japeh si Queso na nakasandal sa pader at tumutulo ang luha.
“Oh, nandito ka?” Hindi nagsalita si Queso. “Kanina ka pa hinahanap ni Cloud.”
Nagtaka si Japeh ng hindi man lamang kumibo si Queso. Ikinaway pa niya ang kamay sa mukha nito ngunit napalis lamang iyon ng malakas ni Queso. Dahil sa nangyari’y hinimas ni Japeh ang sariling pulsuhan kung saan tumama ang hampas.
“Hindi ako pupunta.” Matigas na tugon nito.
“Bakit naman? Mahalaga ang sasabihin niya.”
Noon napakuom ang mga kamay ni Queso. Kahit pa sabihing ayaw niyang sagutin ang sinabi ni Japeh ay nagawa niya itong sigawan.
“Pake-alam mo ba?! Hindi ka naman kaabot usap sa pagsasama namin ni Cloud. Isa pa, walang kami! Hindi kami kasal o magkasintahan kaya wala kayong karapatang paki-alaman ang ginagawa namin.
Umamin ako noon, at hanggang doon lang ‘yon!
Ikaw pa nga itong nagalit dahil parehas sila ng singsing hindi ba? Ikaw itong nagmamaktol noong nakaraan dahil may relasyon sila ni sir Ryuu. Kahit hindi ko alam kung paano, ramdam kong wala ka talagang kinalaman sa amin ni Cloud kaya huwag mo akong utusan sa dapat kong gawin!”
Ang pinaka-ayaw ni Japeh sa lahat ay ang pinaparatangan siya’t tama ang pinaparatang kaya naman sinuntok niya si Queso sa mukha.
“Eh gago ka pala pare! Tanga kang talaga!” sigaw din ni Japeh sa ngayo’y napaupong si Queso. “Wala nga akong paki-alam pero kaibigan ko pa rin ang nakakadiring si Cloud. Ang tanga mo lang dahil hindi mo makita kung paano nag-eefort ‘yong mokong maipaliwanag lang ito sa’yo ng maayos!”
Susuntukin pa sana ni Japeh si Queso pero nakaganti agad ang anghel na halimaw.
“Tanga mo rin! Wala na akong paki-alam kung maghoneymoon pa silang dalawa!”
BINABASA MO ANG
Cheese Above Cloud
Любовные романы{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...