Mananatili

62 9 17
                                    

Cheese above Cloud

-04 Mga ngiti

Mananatili

[Laging mananatili sa labi

Mga ngiting naiwan

Nang sandaling masilayan ka

Sa puso’y mananatiling kapiling ka

Iingat-ingatan o aking sinta

Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw]

Narration

Ah... tuluyan ng bumuhos ang ulan.

Nasa loob pa rin ng butas ang armas ni Queso ng maisip niya iyon. Mahahalata na rin ang namumugto niyang mata na ngayon ay nakatingin sa likurang ulo ni Cloud partikular na sa tenga nito. Matapos ay tiningnan niya ang kamay nitong nanginginig pa’t nakapatong sa sementadong pader.

Gusto kong hawakan ang mga kamay na iyon at sabihing ayos lang ang lahat. Magiging ayos lang lahat hindi ko siya sasak—

Lumingon si Cloud ng may nagingilid na luha subalit hindi niya makita ang itsura ni Queso.

“Tapos ka na ba? P-Pwede na ba akong umuwi?”

Ako? Ako lang? Hindi tayo? Sa iisang bahay tayo nakatira ngunit sinasabi mong ikaw lang ang uuwi? Kanino? Kanino ka uuwi?

“Kanino? Sa doktor na iyon?” sa wakas ay inalis na rin ni Queso ang sarili kay Cloud subalit hindi ito hinayaang makalayo sa kanya. “Hindi ka pupunta sa kanya.”

Ang mga salitang iyon ay hindi komokonekta kay Cloud. Parang wala ito sa sarili pero alam niyang si Queso ang nasa harapan.

Nang hindi magsalita si Cloud ay nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Queso. Alam niyang mahal niya si Cloud pero hindi sapat iyon. Hindi siya ang unang pinakasalan. Hindi siya ang asawa. Hindi siya ang minamahal kaya paano niya magagawang bitawan ang taong ito? Paano niya sasabihing tama, huwag ka ng masaktan pa kung sa sandaling kikibo ang taong mahal niya’y nagbibigay lamang iyon ng indikasyong nais nitong mapunta sa piling ng iba?

Mas gugustuhin pa niyang sa babae nagpakasal si Cloud dahil may kakayahan ang babaeng mabuntis at mabigyan siya ng anak subalit ang malamang may relasyon siya sa isang lalaki, guro at higit sa lahat ay doktor; mukhang hindi na niya iyon makakayanan.

“Cloud...”

“Sa apartment mo?” binigyan ni Cloud ng ngiti si Queso na siyang lalong pumiga sa puso nito. “Doon natin ito ituloy.”

Hindi na nakagawa pa ng kahit anong reaksyon si Queso. Pinanuod niya lamang itong magbihis at bihisan siya pagkatapos ay alalayan itong lumabas ng eskinita.

Nang makarating sila sa kanilang tinitirhan ay iniupo ni Cloud si Queso.

“Pwede ba akong magpaliwanag?” mahinahon na ngayon si Cloud.

Walang halong pang-aalipusta, takot o galit. Para siyang isang matured na lalaki na malaki ang pang-unawa at iyon ang mas ikinatatakot ni Queso. Ramdam niyang ang taong ito ay hindi na ang lalaking nakilala niya sampung taon ang nakakaran.

***

Queso’s PoV

Sampung taon ang nakakaraan noong makilala ko si Cloud. Hindi ganoon kaganda ang una naming pagkikita. Nabugbog siya ng tatlong lalaki habang nakasuot ng uniporme at ang nagawa ko lang ay ang magpanggap na tumatawag ng pulis para magsipuglasan ang mga iyon.

Cheese Above CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon