Cheese above Cloud
-06 Gusto kita
Sana’y Ako na lang
Narration
[May nagmamahal na ba sa’yo
Kung wala’y ako na lang
Lahat ibibigay sa’yo ng walang alinlangan]
Dumaan ang ilang araw na hindi na nabuksan pang muli ang tungkol sa singsing at kasal nina Ryuu at Cloud. Naging normal ang bawat araw na iyon para kina Queso at Cloud. Magigising si Cloud na katabi si Queso. Sisigaw siya ng malakas dahil sa gulat at itutulak niya ito. Masasaktan si Queso at makokonsyensya si Cloud.
Ganoon dapat pero nitong nakaraang tatlong araw, walang nagisingang Queso si Cloud. Nakita na lamang niya si Queso na kaliligo o nagbibihis ng pampasok. Gayon pa man, pinili ni Cloud na paniwalaing normal lamang iyon sa kanila kahit pa tatlong araw ang nakakaraan nagawang ngumiti ni Queso ng itulak siya ni Cloud paalis sa kama.
“Hala, may problema kaya si Cloud?” tanong ng isang babae sa pasilyo ng ikatlong palapag.
Kadaraan lamang kasi roon ni Cloud para ayusin ang AVR para sa parent-teacher meeting. Dahil isa si Cloud sa mga advanced student ng paaralan at nagkataong siya ang nakita ng major subject teacher nila sa computer na walang ginagawa sa break time, siya ang napag-utusang gawin iyon.
“Oo nga. Ngumingiti siya kaya nakakapagtaka.” Bulong pa ng isang kasama nito.
“Pero tingin ko girl masaya talaga siya.”
“Tingin mo?”
“Oo.”
“Paano? Alam naman nating papabol talaga si Cloud dahil ang astig niya at noon nakikita natin siyang masaya kapag nakakabuhat siya ng mas mabibigat na bagay o nakakatulong sa iba. Pero ngayon...”
“...iba nga.”
Halos mapatalon sa gulat ang tatlong babae ng marinig ang tining mula sa kanilang likuran.
“Natty. Napansin mo rin?” tanong ng babaeng nakasalapid ang buhok.
Umiling si Natty pero nakatingin pa rin siya sa likod ni Cloud na malayo na sa kanila.
“Posible kayang... hindi. Imposible dahil hindi ipagpapalit ni... si... Ah, baka naman nakahanap na siya ng iba kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. Hmm.”
Nagkatinginan ang tatlong babae dahil hindi nila maintindihan ang ipinupunto ni Natty. Magtatanong pa sana ang mga ito ng tumakbo si Natty papunta sa kabilang dereksyon at kausapin si Queso.
“Hi, Mr. Marquise.” Masiglang bati nito.
“Ah. Oh.” Ngumiti si Queso kaya bahagyang namula ang binatilyo.
“Saan ka pupunta?”
“Nautusan ako ni Sir Closa na ayusin ang mga upuan sa AVR. May meeting daw sila ng mga magulang.”
Tumango si Natty sa mga sinabi ni Queso.
“Meron nga. Sayang at nahuli ka. Kanina lang naroon si Mr. Arceo para ayusin ang projector at ibang bagay doon.”
Sinubukang pagmasdan ni Natty kung magkakaroon ba iyon ng epekto kay Queso o hindi. Inisip rin nitong posibleng mananakbo ang nakatatanda sa kanya patungo roon para makita si Cloud. Subalit nanatili lang sa kanyang paglalakad si Queso saka tumango.
“G-Gano’n na lang ‘yon? Hindi ka magtatanong kung saan siya papunta o kung naroon pa siya sa AVR?”
Inaasahan ni Natty na magugulat si Queso pero wala itong naging reaksyon. Sa halip ay sinasabi na lamang ang mga katagang, “May sarili kaming mga buhay.”
BINABASA MO ANG
Cheese Above Cloud
Roman d'amour{pasintabi po sa mga makakabasa at sa mga unang makakabasa ng tagalog na Yaoi. Sobrang SPG po ito kaya kung hindi kakayanin ng inyong utak huwag na ninyong basahin. Kung kuryosidad naman po at pagmamahal sa akin ang nananalaytay sa inyong sistema, m...
