Chapter 1 : Ang Pangako...

5.4K 43 2
                                    

Si Sarah Geronimo at Gerald Anderson ay matalik na magkaibigan simula pagkabata. Mas matanda ng halos isang taon si Sarah, ngunit simula pa nung mga sanggol pa lang sila ay palagi na silang magkasama. Ang kanilang mga magulang ay malapit na magkakaibigan, kaya na lang ang dalawa ay para ng magkapatid.

Habang tumatanda, ay mas lalong tumibay ang pagkakaibigan ng dalawa. Parehas kasi sila ng pinapasukang eskwelahan. Madalas rin silang magkaklase. Kahit na mas matanda ng isang taon si Sarah, pinilit ng magulang ni Gerald na isabay silang dalawa. Nais kasi ng mga magulang nila na magkaroon ng matibay na pagkakaibigan ang dalawa, katulad na lamang ng pagkakaibigan nilang mga magulang nila. Hindi naman sila nabigo.

Si Gerald, bilang lalaki ay nagsisilbing tagapagtanggol ni Sarah sa mga bully ng kanilang eskwelahan. Payatot kasi, may pagkalampa at iyakin kaya madalas itong natutukso ng mga kaklase nyang lampayatot. Sinusuklian naman ni Sarah ang kabaitan ni Gerald sa pagtutulong sa kanya sa pag-aaral at sa pagtatanggol rin sa mga naninira kay Gerald na mga inggetero't inggeterang kaklase nila. 

Tuwing recess at lunch, madalas na naghahati ng baon ang dalawa. Bata pa lamang sila ay madalas na silang natutukso na sila ng mga kaklase nilang magboyfriend at maggirlfriend. Dahil parehong walang malisya sa katawan ang dalawa, hindi na lamang nila pinansin ang mga panunuksong ito. 

Kapag nalulungkot o may problema sila, pumupunta sila sa kanilang secret hideout. Isa itong tree house malapit sa ilog na pagmamay-ari nila Sarah. Doon naglalaro sila at naglalabas ng sama ng loob. Parehas silang mahilig sa tubig kaya naman kapag naroon sila, nakakalimutan nila ang lahat ng problema at kalungkutan sa mundo. Samantalang sa tree house naman, doon sila nagtatago ng mga bagay na importante sa kanila.

Naging masaya ang magkakaibigan, ngunit hindi nagtagal ay kinailangan maghiwalay ng landas ang dalawa. Grade 5 si Sarah at Gerald ng nagkaroon ng malaking problema ang ama ni Gerald at kinailangan nitong bumalik sa Amerika ng ilang taon, at nakapagkasunduan ng mag-asawa na isama ang buong pamilya nito . Kaya naman laking lungkot na lang ng pamilya ni Sarah ng malaman ito.

Bago umalis, ay sinadya ni Gerald si Sarah upang sila ay makapagbonding. Hindi kasi alam ni Gerald kung kelan sila babalik, at alam nyang mamimiss nya si Sarah. Si Sarah kasi ang pinakamatalik nyang kaibigan kaya ninais nyang makasama muna ito bago sila tuluyang magkahiwalay.

"Sasa!" Tinawag ni Gerald si Sarah.

"Oh, Gege. Napadaan ka? Hindi ba aalis na kayo bukas?" Nakasimangot na tanong ni Sarah.

"Wag na malungkot si Sasa ko, kaya ako nandito para imbitahin ka. Punta tayo sa Tree house, swimming tayo sa ilog.. Syempre gusto kong makasama yung best friend ko bago ako umalis." sinabi ni Gerald na nakangiti.

"Talaga? Yehey! Tara!" Hinila ni Sarah si Gerald papuntang tree house.

Doon naglaro sila magdamag, nagswimming at naghabulan. Kahit dalawa lamang sila ay nag-enjoy sila ng sobra. Nagpapahinga si Sarah sa may gilid ng napansin nya si Gerald na may inuukit sa puno ng kanilang tree house.

"Hoy Ge, ano yan?" 

"Eto, wala.. nilalagay ko lang pangalan natin." 

Tiningnan ni Sarah yung nakaukit sa puno. Sasa+Gege Forever  ang nakasulat.

"Ano naman ibig sabihin nyan?" nagtatakang tanong ni Sarah.

"Ibig sabihin nyan na kahit anong mangyari, kahit gaano pa tayo katagal magkalayo.. Babalik at babalik at babalik tayo sa isa't isa?" Nakangiting sambit ni Gerald.

"Ahh.. so Forever tayong dalawa?" Nakangiting tanong ni Gerald.

"Oo. Forever."

Nagyakapan ang magkaibigan. 

"Sobrang mamimiss kita!" Naiiyak na sinabi ni Sarah.

Umatras si Gerald upang punasan ang luha ng kaibigan. "Oh, wag kang umiyak. Pumapanget ka nyan eh.. Sayang naman kagandahan ng bestfriend ko.."

Napangiti si Sarah. "Ikaw talaga bolero!" 

Tumawa si Gerald. "Gusto mo naman! Bleh." 

Hinampas ni Sarah si Gerald sa braso. "Kainis ka, feel na feel ko na oh.. Hmf!"

"Naku! Nagtatampo na si Baby Girl!"

"Baby girl ka dyan! Ikaw nga dyan baby boy, kasi kahit nine ka na, binibaby ka pa rin ni tita. HAHAHAHA" bweltang tukso ni Sarah

"Ah ganun ha.. tingnan natin kung makakatawa ka pa pag nahuli kita." sabi ni Gerald.

Nagtakbuhan muli ang dalawa at nagpalitan ng tukso sa isa't isa. Ng mapansin nila ang kinagabihan ay napagdesisyon na ng magkaibigan na bumalik na sa kanilang mga bahay. Magkahawak kamay silang bumalik at noong kinailangan na nilang maghiwalay ay parang ayaw nilang bumitaw sa isa't isa.

 "Gerald! Uwi na! Maaga pa tayo bukas!" Sigaw ni Mommy Vangie sa kanilang bintana. 

"Ge, pinapauwi ka na ni Tita." malungkot na sinabi ni Sarah.

Niyakap muli ni Gerald si Sarah.

"Mamimiss kita Baby Girl." Sambit ni Gerald habang nakayakap. 

Ngumiti si Sarah, "Mamimiss rin kita Baby Boy.. wag mo kong kalilimutan ah?" Hinubad nya ang bracelet nya ang rosary na kwintas nya at ibinigay niya ito kay Gerald. "Eto, para di mo ko makalimutan. Isuot mo yan pag kinakabahan ka o pag nalulungkot ka, para maalala mo na andito lang ako para sayo lagi."

Ngumiti si Gerald at kinuha ang regalo ni Sarah sa kanya at sinuot ito. "Teka, dito ka lang. May bibigay rin ako sayo."  Tumakbo si Gerald sa kanilang bahay at kinuha ang beaded bracelet. Isinuot naman ni Gerald ito kay Sarah. "Ayan, eto naman ang isuot mo para di maalala mo na andito lang ako para sayo lagi. Gawa yan ni mommy para sakin pero wag ka mag-alala, nagpaalam akong ibibgay ko sya sayo at natuwa naman sya." 

"Salamat Gege Mamimiss kita." 

"Salamat rin Sasa. Yung promise natin sa isa't isa ah.." pinaalala ni Gerald.

"Anong promise?"

"Forever?" Nakangiting sinabi ni Gerald habang inalok ang kanyang kamay kay Sarah.

Nakangiting tinanggap naman ito ni Sarah sabay sambit ng : "Forever!"

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon