Nagising si Gerald na kumportable sa kanyang hinihingaan. Malambot at napakabango ang niyayapos nyang unang, ngunit nabigla sya nung naririnig nya ang pintig ng puso. Biglang napamulat ng mata, ngunit halos hindi nya maimulat ito dahil medyo maga pa ito sa kakaiyak noong nakaraang gabi. Medyo natataranta na sya, ngunit unti-unti na nyang natatandaan ang mga pangyayari noong nakaraang gabi. Tiningala nya ang natutulog na dalaga, at hindi nya maiwasang ngumiti.
Kumawala si Gerald sa pagkakayakap kay Sarah upang matitigan ng maayos si Sarah. Unti-unti nyang kinakabisado ang mukha ng dalaga. Napakaganda nito. Ang cute nyang tingnan lalo pag tulog. Halatang pagod na pagod dahil medyo magkahiwalay ang mga labi nito pero napapangiti pa rin si Gerald dahil sa nakyukyutan sya. Bakit nga ba sya tumitingin sa iba eh, eto ang ganda ganda ng nasa harapan nya? Nagiging malinaw na sa kanya ang lahat. Mahal nya si Sarah. Napatingin ito sa muli sa mga labi nito. Gusto nya itong angkinin, halikan.
Dahan-dahan nyang inilapit ang mga muka nya sa muka ng dalaga habang nakatitig sa mga labi nito at paminsan-minsan tumitingin sa mga mata nito upang sigraduhing di pa ito gising. Napakabilis ng tibok ng puso nya at para na rin syang hinihingal. Napakalapit na muka nya nung biglang dumilat ang mga mata ni Sarah at natigilan sya. Hindi sya makagalaw sa takot at kaba.
Nagising si Sarah sa mainit na hininga ni Gerald. Nagulat sya at bigla nyang binuksan ang mga mata nya. Mas lalo nyang kinagulat ang nakita. Napakalapit na ni Gerald sa kanyang mga muka. Biglang bumilis ang pintig ng puso nya at di nya malaman ang gagawin. Tinitigan nya ang mga mata ni Gerald at nakikita nyang nag-aapoy eto sa pagnanasa. Hindi nya kinakaya ang mga titig ni Gerald kaya pinikit na lang nya ang mga mata nya.
Nagsilbing rejection ang pagpikit ng mga mata ni Sarah kay Gerald. Kumirot ang puso nya at umatras sya papalayo. Nang maramdaman ni Sarah ito ay nakahinga na muli ito ng maluwag, ngunit hindi nya rin mapigilan ang sarili na manghinayang at masaktan. Ngunit hindi na nya ito ipinakita at masayang binati si Gerald na parang walang nangyari.
"Morning Baby Boy!" Bati ni Sarah sabay tayo. "Magluluto na ako ng breakfast, ano gusto mo?"
Pilit na ngumiti si Gerald kahit na may nararamdamang pagkabigo. "Kahit ano Babe. ikaw na bahala."
"Okay, sige, dun lang ako sa kitchen if you need me."
Pagkalabas ni Sarah ay humiga ng maayos si Gerald at tumitig sa kisame. Alam na nyang mahal nya si Sarah. Ngunit ano na ang sunod nyang gagawin? Dapat ba nya itong sabihin sa kanya? Paano kung kaibigan lang pala ang tingin nito sa kanya? Paano na ang pagkakaibigan nila? Naguguluhan si Gerald sa mga pangyayari. Parang sasabog ang puso nya, pero natatakot sya na baka ikasira ng pagkakaibigan nila ito.
Huminga sya ng malalim, nagshower at nagbihis bago lumabas ng kwarto. Sakto namang tapos na magluto si Sarah at naghahain na pagkalabas ni Gerald.
"Wow, fresh na fresh ang Baby boy. Gwapo gwapo naman" Nakangiting bati ni Sarah.
"Talaga lang ha. Asan ang kiss ko Babe?" Biro ni Gerald.
"Ikaw talaga. Kulit mo. Tara kain na tayo." Yaya ni Sarah.
Pinilit ng dalawa na alisin ng dalawa ang kaasiwaan sa gitna nila kahit na parehong naguguluhan ang mga puso at isipan nila sa mga pangyayari. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan sila na parang walang problema.
Dahil dito, mas lalong minahal ni Gerald si Sarah. Kahit anong kahinaan ang pinakita niya sa kaibigan noong nakaraang gabi ay hindi sya nito hinusgahan, at hindi nya ito pinipilit na pagusapan muli ang nangyari kagabi. Alam nyang tama ang desisyon nyang ipakita kay Sarah ang karupukan nito. Biglang sumagi sa isip nito, paano kung sabihin na nga nya na mahal nya ito? Parehong pagtanggap pa rin kaya ang gagawin ng kaibigan?
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana...
Romance"Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling mag-iisa ... Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling luluha pa.. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba .. Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo .. Kung ako na lan...