Chapter 16 : Ang Muntikang Pag-amin

3.3K 47 20
                                    

Dahan-dahang kumatok si Sarah sa opisina ni Gerald. Hindi nya malaman kung paano nya tatanungin ang kaibigan kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jewel. Binuksan nya ng kaunti ang pinto at nakita si Gerald na nakaupo sa sofa habang ang mga kamay nito ay nakahawak buhok nito at muka.

"Come in." narinig nyang sinabi ni Gerald.

Lumapit sya sa kaibigan at umupo sa tabi nito. Sumandal sya sa mga balikat nito at tiningnan nya ang mga mata nito.

"Bakit di mo man lang sinabi sakin na nagbreak na kayo ni Jewel?" tanong ni Sarah.

"Paano ko sasabihin? Eh nag-away tayo, nung nagkabati naman tayo ayaw ko naman biglang sabihin sayo dahil kakabati lang natin." napabuntong hininga ito at inihilig nya si Sarah sa mga bisig nya. "I'm sorry you had to find it out that way." 

Tumango si Sarah. "Care to tell me what happened?"

Tiningnan ni Gerald ang mga mata ni Sarah. Ngayon na ba ang tamang oras? Napailing sya. Hindi pa. Baka may asungot na naman na sumingit. Kailangan ko yung perfect moment. Yan ang mga bagay na naglalaro sa isip ni Gerald. Hindi nya namalayan na matagal na oras na pala ang lumipas at hindi pa sya sumasagot sa tanong ng kaibigan.

"It's okay if you're not ready. Basta I'll be here always." Bulong ni Sarah.

Natauhan naman si Gerald. "No, I'm sorry. I was looking for the right words on how I could explain it to you.." Napabuntong hininga si Gerald. "I.. I realized I don't love her. We were different. She's not like...you."  bulong ni Gerald.

Napatayo naman si Sarah sa gulat. "What?"

"I mean.. uhm.. we don't get along like we do. We  don't have the same likes. We're different." pagpapaliwanag ni Gerald. Torpe! Yan ang sumisigaw sa isip nya.

"Ahhhh." sumandal muli si Sarah kay Gerald. "Gege, di naman syempre lahat katulad natin ang relationship. Hindi naman pumili ang puso natin ng taong mamahalin na dapat compatible satin. Ang puso pag nagmahal walang limit, walang pinipiling tao. Pag tinamaan ka, tatamaan ka talaga, kahit pa magkaibang magkaiba kayo. Your heart will be just in synch." paliwanag ni Sarah, ngunit sa isip isip nito ay sumisigaw ng "Kung ako na lang sana ang yong minahal..."

"Babe, what if... what if ikaw pala ang mahal ko?" tanong ni Gerald. 

Tiningnan ni Sarah si Gerald sabay hampas. "Sira."

"I'm serious Sarah, what if tayo na lang. What if imbis na maghintay ng seven years eh ngayon na tayo magpakasal."

"Huy! Tamaan ka." gulat na sinabi ni Sarah. "Baby boy, isipin mo nga yung mga sinasabi mo. Wag ka padalos-dalos. Kaya mo lang sinasabi yang mga yan dahil kakabreak mo lang. Naghahanap ka ng babae."

  "Eh what if ikaw nga yung mahal ko pala. I was to blinded by everything else." Pilit ni Gerald.

Sana nga totoo yang mga sinasabi mo. Sana nga. "Babe, Gege, Baby boy.." Napabuntong hininga si Sarah. "Wag ka magbiro ng ganyan oh.." Baka maniwala ako... "Magulo lang utak mo, kaya ganyan. So wag na makulit okay?"

Bakit ang manhid mo? Napabuntong hininga na rin si Gerald Eh bakit kasi ang torpe ko at di ko na lang diretsuhin? 

"Okay ka na?" tanong ni Sarah. Tumango na lang si Gerald kahit hindi pa. Tumayo naman si Sarah. "Kanina pa kasi tayo nagmomoment dito." Biro ni Sarah. "Tara magtrabaho na tayo. Dami pa nating gagawin" Yaya ni Sarah.

Ngunit bago tuluyang makaalis si Sarah ay hinila muna sya ni Gerald papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit si Sarah. "Sana ikaw na lang." mahinang bulong ni Gerald ngunit narinig pa rin ni Sarah. Napaluha naman si Sarah. Sana ako na nga lang.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon