Chapter 13 : Mr. & Ms. Kupido

3.4K 61 18
                                    

Dahil sabik ang mga magkakaibigan sa isa't isa ay nagpasya silang magmeryenda. Napangitin naman si Toni at nakahinga ng maluwag dahil mukang magkakaayos na ang amo nya't ang best friend nito. Nagtungo ang tatlo sa Greenbelt at doon nagpasya maghanap ng makakainan. Napagkasunduan nilang sa Chili's na lamang kumain.

Nang matapos umorder ay nagsimula nang magkwentuhan si Sarah at Julia, habang si Gerald nama'y taimtim na nakikinig sa dalawa. Hindi  pa rin pinapansin ni Sarah si Gerald, pero kampante si Gerald na magkakabati rin sila dahil sa surpresa nito. Walong taon na rin di nagkikita si Sarah at Julia kaya alam nitong miss na miss na sya nito.

Bata pa lamang ay magkakaibigan na sila. Apat na taon ang tanda nila kay Julia kaya parang nakakabatang kapatid na nila ito. Magpinsan si Gerald at Julia. Magkakalapit lang ang bahay nila noong mga bata pa lang sila kaya madalas ay magkakasama sila.

Makulit at childish si Julia noon, ngunit nang ma-ulila sya walong taon ang nakaraan dahil sa isang aksidente ay nagsimulang magseryoso ito. Agad na kinuha ng magulang ni Gerald si Julia at doon na sya nanirahan sa Amerika ngunit makalipas ang limang taon ay nagtungo naman ito sa Paris upang mag-aral doon.

Parang walang bukas kung magkwentuhan ang dalawa at halos di na nagalaw ang inorder nilang salad. Hindi rin naman masisi ni Gerald dahil halos walong taon sila di nagkita. May komunikasyon man sila ay sa Facebook, Skype at YM lamang ay paminsan-minsan lang dahil parehas silang busy.

Lumipas ang tatlong oras at napagkasunduan nilang umuwi na. Gusto man nilang pahabain pa ang gabi ngunit alam rin ni Sarah and Gerald na pagod si Julia dahil galing pa ito sa byahe, nakaramdam na rin naman si Julia ng pagod kaya di na ito tumanggi.

"Saan ka magstay?" tanong ni Sarah.

"Sa condo. Do you wanna come?" Sagot ni Gerald at tanong na rin.

"Yeah, you should. Para mapagpatuloy natin yung kwentuhan. Sleepover tayong tatlo like the old times." mungkahi ni Julia.

Parang di napansin ni Sarah si Gerald at si Julia lang ang sinagot. "Nah, next time na lang. I'm sure you are dead tired, and besides my friend, Enchong is picking me up." 

"Nasaan na si Chong? Hatid ka na namin." alok ni Gerald.

Hindi pa rin pinansin ni Sarah si Gerald at nagpaalam na siya kay Julia. "Sige mauna na ako, nasa parking lot raw si Enchong." sabay beso dito.

Tiningnan ni Gerald si Julia na parang nangungusap at napangiti na lang ito. "We'll go with you, I want to meet this Enchong, is he a special friend?"

Natawa naman ang dalawa ng sabay kaya nagkatinginan sila. Ngumiti si Gerald ngunit umirap si Sarah at binaling muli ang atensyon kay Julia. "No. He's like a little brother. We may have the same age, pero para syang bata. But I think you should meet him. You need fun in your life." biro ni Sarah.

"Hey! I like my life." sabi ni Julia.

"Yeah right. Your boring life." pang-aasar naman ni Gerald.

Nagtuloy-tuloy ang pagkukulitan ng tatlo habang naglalakad papuntang parking lot, subalit kahit anong gawin ni Gerald na pag-papacute eh di pa rin sya pinapansin ni Sarah.

Nang makarating sila ng parking lot ay agad-agad sinalubong sila ng nakangiting Enchong. Ngunit nang makita nito si Julia ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng pagkadismayado.

"IKAW?!" sabay na sigaw ni Enchong at Julia.

Hindi naman naiwasan ni Gerald at Sarah na magkatinginan na halatang gulat rin.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang nakahalambulas na si Enchong at Julia dahil sa tulis ng tingin nila sa isa't isa. Sinubukan naman ni Sarah basagin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon