Lunes na Lunes at tanghaling nagising si Sarah. Nakalimutan nya buhayin ang kanyang alarm ng nakaraang gabi. Dali dali syang bumangon at tiningnan ang kanyang telepono. Dahil panay mensahe at miss call mula kay Gerald ang nakita na puro pag-uutos ay lalo lang syang nabwisit at napagdesisyunang huwag na munang harapin ang taong kinaiinisan nya ngayon. Naligo sya, nagbihis at nag-isip ng gagawin para sa araw upang makalimot saglit. Agad naman nyang naalala na nakabalik na si Enchong mula Paris kaya ito ay tinawagan nya agad at niyayang lumabas. Umayon naman si Enchong at sila ay nagkita sa isang maliit na coffee shop malapit sa condo ni Sarah.
Unang dumating si Sarah at naisipan nya munang umorder ng kape. Nagulat na lamang sya ng nakabangga ang isang lalaki habang nasa pilahan.
"Sarah." sambit ng lalaki at napansin ni Sarah na may kasama itong babae na nakaupo sa isang tabi, si Cristine..
"Oh Ray. Kamusta? Okay na ulet kayo ni Cristine?" tanong ni Sarah na nakangiti.
"Ah. Eh. Sars." sabi ni Rayver.
"Ah, okay lang yun. Di na naman ako nag-eexpect mula sayo." medyo mailap na sinabi ni Sarah.
"Sars." Hinawakan nito ang kamay nito at tiningnan ni Sarah ng masakit si Rayver kaya agad itong binitawan nito.
"Ray, okay lang. I've already move on and I've long accepted that we are not meant to be. Kaya sana, hayaan mo na lang akong mamuhay ng tahimik." sumbat ni Sarah.
Nagulat si Rayver sa sinabi ni Sarah at hinawakan muli nito ang kamay nya na agad naman binawi ni Sarah. "Rayver please, tama na. Si Cristine nakatingin na dito. Ayaw ko magkagulo." sinabi ni Sarah at tumalikod at naglakad papalayo.
Papalabas na ng coffee shop si Sarah ng namataan nya si Enchong at agad nya itong hinila palabas at pumunta sila sa kinaroroonan ng sasakyan ni Enchong.
"Chong, please. Punta tayo somewhere, ikaw na bahala." pagmamakaawa ni Sarah.
Tumango naman si Enchong at pinaandar ang sasakyan. Kilala na nya ang kaibigan kaya dinala nya ito sa mansyon nila. Nag-iisang anak si Enchong ng isang kilalang business tycoon. Kaya hindi na kataka-taka na lahat ng gusto ni Enchong ay nasusunod. Laki sya sa layaw. Ngunit hiwalay na ang mga magulang nya. Hindi mo mapapansin sa itsura nito dahil palagi ito masayahin. Hindi alam ni Sarah kung paano nagagawa ng kaibigan na ngumiti at magpanginit ng ibang tao sa gitna ng lahat ng problemang kinaharap nito mula pagkabata.
Agad namang dumiretso ang dalawa sa swimming pool. Nagbihis si Sarah sa changing room kung saan lahat silang magkakabarkada ay mayroon ng gamit doon. Ipinisadya kasi ni Enchong ang mga iyon lalo na't kapag may oras ay dito sila sa bahay nila tumatambay lalo na noong College sila.
Pagkalabas ni Sarah ng changing room ay nakita na nya si Enchong sa tubig. Agad naman itong nagdive upang sumama sa kaibigan. Hilig na talaga ni Sarah ang lumanggoy katulad ni Enchong, kaya madalas nilang bonding na magkaibigan ang pagsisid sa tubig. Lumangoy sila ng ilang rounds at nang mapagod ay naupo muna sila sa may poolside upang magpahinga.
"Okay ka na?" tanong ni Enchong sa kaibigan.
Ngumiti si Sarah. "Oo. Salamat ah."
"Naku wala yun." Sinabi ni Enchong habang ginagalaw-galaw ang kilay.
Natawa si Sarah at agad na tinalamsikan ng tubig. Tumawa naman si Enchong.
"Kamusta ang Paris?" tanong ni Sarah ng seryoso.
Bumuntong hininga si Enchong. "Ayun, okay naman. Medyo busy lang si Mama habang andun ako. Pero okay naman." ngumiti ng malungkot si Enchong.
"Baka naman ang sadya mo talaga dun eh para maghanap ng chicks?" sinubukan magbiro ni Sarah para gumaan ang paligid.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana...
Romance"Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling mag-iisa ... Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling luluha pa.. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba .. Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo .. Kung ako na lan...