Chapter 14 : Walang Tiyempo

3.6K 55 15
                                    

Nang makarating si Gerald at si Sarah sa sasakyan nito ay di nila mapigilang tumawa kahit sila ay hingal na hingal. Para silang mga bata kanina na magkahawak na tumatakbo papalayo sa dalawang nag-aaway na kaibigan. Nang medyo humupa na ang kanilang mga tawa ay naalala nilang magkahawak pa rin sila ng kamay. Napapatitig naman sila sa kamay nilang magkahawak at bigla silang nagkatitigan. Unang umiwas ng tingin si Sarah at binawi ang kamay sa pagkakahawak kay Gerald.

"Tara na. Uwi na tayo?" yaya ni Sarah sa kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Gerald at tumango. Pinagbuksan nya ng sasakyan si Sarah. Ngumiti naman si Sarah at nagpasalamat sa pagiging gentleman nito. Tapos ay tumakbo ito papuntang driver's side at sumakay. Napangiti naman si Gerald nang maisip nya na para siyang manliligaw na excited sa first date sa ginawa nyang yun. 

"Anong nginingiti mo dyan Mr. Anderson?" tanong ni Sarah.

"Wala. Ang cute lang kasi nila." hirit na palusot ni Gerald.

"Weh?! Ikaw Mr. Gerald Randolph Anderson Jr. kinikilig?" biro ni Sarah.

"Bakit? Masama bang kiligin?" tanong ni Gerald. Pero kung tutuuisin kinikilig nga sya, hindi para kela Enchong ngunit para sa kanilang dalawa ni Sarah. Panahon na ba para aminin ang totoong nararamdaman nya? Hindi nya mapigilang itanong sa sarili.

"Okay. Okay. Sabi mo po eh."  

Humarap si Gerald sa katabi na nakaharap rin sa kanya. Nilapit nito ang kanyang mga mukha sa mukha nito. "Hindi ka naniniwala?" tanong ni Gerald habang nakatitig sa kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ni Sarah sa ginawa ng kaibigan. Sobrang lapit na ng mga muka nila at aakmang hahalikan na sya nito. Halos di sya makahinga at ang ang lakas ng kabog dibdib nya. Napapikit sya ng mata at laking gulat nya ng pinisil nito ang mga ilong nya habang tumatawa. Tinulak papalayo ang muka ni Gerald sa muka nya.

"Naku Gegeee!" Sigaw nito, ngunit kahit may panghihinayang na nararamdaman ay nakahinga ng maluwag kahit paano. Nang makarecover sa nangyari ay niyaya. "Tara na. Baka maabutan pa nila tayo dito." 

Napangiti naman si Gerald sa nangyari. Kahit paano ay nabuhayan sya ng loob na baka sakaling may pag-asa sya sa dalaga. Pinaandar na nya ang sasakyan at sila ay umalis na sa parking lot ng mall.

Habang nagbyabyahe ay nakatingin lang si Sarah sa bintana nagmumuni-muni. Naiinis sya dahil imbis makalimutan nya ang nararamdaman para kay Gerald ay bakit kaya parang mas lalong lumalakas pa ito? Hindi ba't tanggap na nya na may mahal tong iba? Pero bakit kanina parang pakiramdam nya ay may nararamdaman rin ito para sa kanya. Naguguluhan sya ngunit naputol ang kanyang pag-iisip nang makita nyang lumampas si Gerald sa daan papuntang condo niya.

"Gege saan tayo pupunta? Lumagpas na tayo sa condo ko oh.." tanong ni Sarah.

"Relax Baby Girl, dinner muna tayo." sabi ni Gerald.

"Dinner? Eh kakakain lang natin Gerald ah." reklamo ni Sarah.

"What did you just call me?" sabay hawak sa may kili-kili ni Sarah. "I thought we've talk about this?" nakakunot na noo ni Gerald.

"Sorry na po BABE. Di na po mauulit BABY BOY. Okay na po ba GEGE?"  sabi ni Sarah.

"There, much better." Nakangiting sulyap ni Gerald sa kanya sabay hawak sa kamay nito. Hindi naman mapigilan mamula ni Sarah sabay bawi ng mga kamay nito.

"Ge..ge tigilan mo nga ako." asar na sinabi ni Sarah. Naasar sya dahil hindi nya mapigilan ang mga nararamdaman.

Ngumiti lang si Gerald. "Sorry. Namiss lang kasi kita."

Nang makarating sila sa isang kainan na medyo sosyalin ay tumakbo muli si Gerald patungong pinto ni Sarah upang pagbuksan ito.

"Anong nakain mo't pakagentleman mo ngayon?" tanong ni Sarah.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon