Chapter 6 : Nakakapagpabagabag

3.5K 41 22
                                    

Matapos ang bakasyon ng magkaibigan ay balik realidad na rin sila. Balik trabaho si Sarah at balik sa pagiging matalik na kaibigan ni Gerald. Samantalang si Gerald naman ay balik sa pagiging boss at boyfriend ni Jewel. Kahit na nangako ang dalawa sa isa't isa na dapat ay may oras pa rin sila sa isa't isa ay nahirapan rin sila. Dahil isang linggo nawala si Gerald ay mas naging demanding sa atensyon si Jewel. Si Sarah naman ay pilit na inaabala ang sarili sa paglabas kasama ang mga kaibigan.

Sa isa sa mga lakad ni Sarah kasama ang barkada nya ay may di inaasahang pangyayari. Nakatayo sya sa bar upang bumili ng inimunin nilang magkakabarkada ng may tumawag sa kanya.

"Sarah.." tinawag si Sarah ng isang pamilyar na boses. Agad naman syang lumingon dito at laking gulat nya sa nakita.

"Ray.." bati niya.

"Hi. Kamusta ka na?" tanong ni Rayver, ang unang boyfriend ni Sarah..

"Ok naman. Ikaw kamusta? Kamusta kayo ni Cristine?" Tanong ni Sarah na medyo may anghang ang pagtatanong.

"Ah, I'm okay. Matagal na rin kaming break ni Cristine. Uhm. Ikaw? Mag-isa ka lang ba dito?" 

"No, uh. Kasama ko yung barkada." Sabay turo sa kinakaupuan ng barkada nila na nakatingin na rin pala sa kanila.

"Oh, uhm.. Sars, pwede ba tayong mag-usap?" 

"Nag-uusap na naman tayo ah."

"I mean somewhere more quiet, yung mas makakapag-usap tayo? Please." pakiusap ng binata.

"Ano pa ba kailangan nating pagusapan?" Tanong ni Sarah.

Nakita ni Sarah na palapit na si Japoy kasama si Enchong. 

"Please..." Hinawakan ni Rayver ang kamay ni Sarah.

"Pare may problema ba?" tanong ni Japoy sabay hablot ng kamay ni Sarah mula kay Rayver.

"Onga pare may problema ba?" Maangas na tanong ni Enchong.

"Wala.. wala naman. Gusto ko lang sana kausapin si Sarah." sabay kuha ulet ng kamay ni Sarah mula kay Japoy.

"Eh ga--" aktong sasapakin na ni Japoy si Rayver ngunit pinigilan ito ni Sarah.

"Japoy, Chong, ako na bahala dito. Salamat." Pakiusap ng dalaga. Sabay lingon kay Rayver. "Sige, papayag ako. But just this night."

"Pero Sarah..." angal ni Japoy.

"Onga Sarah.." suporta ni Enchong.

"Japoy, kaya ko na to. If ever may masamang balak to sakin, may pepper spray ako sa bag, at malakas ata akong sumigaw." Biro ni Sarah.

Huminga na lang ng malalim si Japoy sa pagkabigo at tiningnan ng masama si Rayver. "Pag may nangyaring masama kay Sarah, lagot ka samin." banta ni Japoy.

"Onga. Lagot ka samin." maangas na paguulit ni Enchong.

"Salamat Sarah." Nakangiting sinabi ni Rayver kay Sarah. Tapos ay lumingon ito kay Japoy at Enchong "At makakaasa kayong walang mangyayaring masama kay Sarah." Inalok ni Rayver ang kamay kay Sarah "Tara?"

Tumango na lang si Sarah at sumama kay Rayver. Dinala sya ni Rayver sa isang coffee shop na di kalayuan sa bar na pinanggalingan nila. Pagkaupo nila ay agad na nagsalita si Sarah.

"Ano ba kasi kailangan nating pagusapan Ray? Matagal na tayong tapos hindi ba?"

"Pwede munang mag-order tayo? Sige na. Please sana sulitin naman natin tong gabi na to kahit paano." hiling ni Rayver.

"Fine. Basta ikaw magbabayad." 

"Oo naman. Salamat Sarah." Agad na tumayo si Rayver upang bumili ng maiinom at makakain.

Kung Ako Na Lang Sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon