Lumipas ang apat na buwan. Naging maayos naman ang relasyon ni Gerald at Jewel. Gabi-gabi silang magkasama at kung minsan ay pati tanghalian at agahan ay magkasama pa rin sila. Dahil dito nawawalan na ng oras si Gerald kay Sarah. Madalang na silang makapag-usap at madalang na rin silang magkita kahit nasa iisang opisina lamang sila.
Para kay Sarah masakit iyon. Nalulungkot sya na wala ng oras ang kaibigan para sa kanya. Pero naiintindihan nya rin naman dahil wala naman siyang ibang hinahangad kundi ang kasiyahan ni Gerald, kahit pa hindi sya ang nagpapasaya rito. Naisip rin ni Sarah na mas mabuti na rin na hindi sila nagkikita, dahil kahit paano hindi nya nararamdaman ang sakit na hindi masusuklian ni Gerald ang pagmamahal nya. Kaya kung minsan ay pinipilit na rin nyang iwasan si Gerald hangga't maari upang hindi na madagdagan ang sakit na nararamdaman.
Para kay Gerald, hindi nya maiwasang mamiss ang kaibigan. Namimiss nya ang lahat tungkol sa kaibigan. Kung nagkikita sila ay madalas mailap ang kaibigan. Kung minsan ay naiisip nya na iniiwasan sya ni Sarah, ngunit wala naman syang maisip na dahilan upang iwasan sya nito. Dahil dito ay naisipan ni Gerald na ayain ang kaibigan na lumabas.
Nasa opisina sila at nakita nya si Sarah na abalang nagbabasa ng mga papeles habang naglalakad.
"Baby Girl!" Sigaw ni Gerald.
Lumingon si Sarah at napakunot ang noo. Sumenyas si Gerald na lumapit sya at agad naman nyang sinunod.Pumasok sila ng opisina ni Gerald at agad naupo sa sofa upang makapagusap.
"Oh Ge bakit? Saka bakit Baby Girl? Kaya tayo naiissue nyan eh." Pabirong sabi ni Sarah.
"Anong bakit? Exclusive na para sayo yang Baby Girl! pati Babe. Dapat sakin lang rin ang Baby boy at Babe, okay? And I don't care what they think. Edi isipin nilang girl friend kita, wala namang masama diba?" Biro ni Gerald.
Hinampas ni Sarah si Gerald. "Ikaw grabe ka ah, parang pag-aari mo ako kung tratuhin mo. At saka may girlfriend ka na. Nakakahiya kay Jewel noh."
"Wow kelan ka pa nahiya?" Tukso ni Gerald.
"Aba Mr Anderson! Nagkagirlfriend ka lang parang hindi mo na ako kilala. Kelan pa ba naging makapal ang mukha ko?"
"Oo nga eh, parang di na kita kilala. Lagi mo akong iniiwasan eh."
"Excuse me? Ako pa ang umiiwas? Ikaw nga dyan laging may ka-date." sumbat ni Sarah.
"Ayuuuuuuun. Lumabas rin ang katotohanan.." Kinurot ni Gerald ang mga pisngi ni Sarah. "Nagseselos ang baby girl kooooooo."
"Araaaaaaaaaaaaay!" Sigaw ni Sarah. "Ikaw Gerald. Nakakasakit ka na ahh.." inis na sinabi ni Sarah.
"Aw pikon na Baby Girl ko.. oh ikikiss ko na lang yung masakit." sabay aakmang hahalik.
Kahit alam ni Sarah na nagbibiro lang ang kaibigan hindi pa rin nyang mapigilang kiligin at mangarap na sana totoo na lang ang lahat. Ngunit mas alam ni Sarah ang tama.
"Eeeeeeeeew!" sabay tulak sa kaibigan. "Kadiri ka. Muka kang mongoloid." sabay tawa.
"Eto? etong gwapo kong ito tinatawag mo lang na mongoloid."
"Che! Ang kapal mo talaga! Bakit mo ba kasi ako pinatawag?" Seryosong tanong ni Sarah.
"Wala lang." Nakangiting sambit ni Gerald.
"Anong wala lang? Inistorbo mo yung maayos kong pagtratrabaho para sa wala lang? At pangiti-ngiti ka pa. Ay naku!" Patayo na si Sarah ngunit hinila sya paupo ni Gerald.
"Dito ka lang."
"Gege, may trabaho pa ko.."
"Oo nga. Pero ako naman ang boss mo diba?" Biro ni Gerald.
"Ay Gerald ang kulit lang."
"O sige, ayaw mo dito? Tara alis tayo."
Hila-hila ni Gerald si Sarah mula sa kanilang opisina hanggang sa sasakyan kung saan pilit na isinakay ng binata ang dalaga. Walang tigil na kadadakdak naman ang ginawa ng dalaga habang tahimik lang si Gerald at nakangisi.
"Kidnapping na to!" "Saan mo ba ko dadalhin?!" "Baka magalit si Jewel!" "Balik na tayo!" "Isusumbong kita sa pulis!" "Tulong! tulong!" ilan lang yan sa mga pagtatalak na ginawa ni Sarah habang nasa sasakyan.
Makalipas ang mahigit sa isang oras na pagbyabyahe ay nakarating rin sila destinasyon nila. Napagod at nakatulog si Sarah. Gigisingin na sana ni Gerald si Sarah ngunit di nya maiwasan na mapatitig sa dalaga. Hindi na rin nya namamalayan na ang lapit na pala ng muka nya kay Sarah. Hindi nya alam kung anong merong magnet kay Sarah pero parang gusto nyang titigan ng malapitan ito.
Napaatras ng kaunti si Gerald nung gumalaw si Sarah. Unti-unting ibinuka ng dalaga ang mga mata at laking gulat na lang nya na ang lapit ng muka ni Gerald. Napaatras si Sarah at nauntog sa bintana ng sasakyan.
"Aray!"
"Ayan sure ako gising ka na." Biro ni Gerald.
"Kainis ka!" sabay hampas kay Gerald. "Asan ba tayo?" tanong nya kay Gerald.
"See for yourself." Nakangiting sambit ni Gerald.
Lumabas ng sasakyan si Sarah at sinundan ni Gerald. Napangiti naman ang dalaga. Agad agad syang tumakbo papunta sa loob ng kanilang bahay.
"Ma! Pa!" Sigaw ni Sarah.
Nakangiting pinagmasdan ni Gerald ang kanyang kaibigan na parang bata kung makatakbo. Lumabas ng kanilang bahay ang mga magulang ni Sarah na agad agad na sinalubong si Sarah. Nagyakapan ang mag-anak na parang ilang taon ng di nagkikita. Sa pagkakaalam ni Gerald, limang buwan na rin di nakakauwi ang dalaga dahil sa maraming ginagawa sa opisina. Kaya minarapat na ni Gerald na dalhin ang kanyang kaibigan dito. Inutos nya sa sekretarya nya na gawing libre ang parehong schedule niya at ni Sarah ng isang linggo.
Nagpaalam na rin si Gerald sa kasintahan na mawawala sya ng isang linggo para sa isang business trip. Alam nya na mali ang kanyang pagsisinungaling pero dahil mahirap pagpaliwanagan si Jewel at alam nyang magiging mahabang diskusyon pa ito ay minabuti na lang nyang magsinungaling.
Kinawayan si Gerald ng mga magulang ni Sarah at pinalapit sa kanya. Kinuha ni Gerald ang mga gamit at agad syang lumapit sa kanila. Nagbatian sila at nagpasalamat sa pagdala sa kanilang anak. Kumain sila ng tanghalian at masayang nakipagkwentuhan. Puno rin ng kulitan at asaran yung dalawa. Masayang pinagmamasdan ng mga magulang ni Sarah ang dalawa. Natutuwa sa lalim ng pagkakaibigan na namuo.
Matapos kumain ay inayos na ni Gerald ang mga damit sa guest room. Tinulungan naman ni Sarah ang mga magulang na magligpit ng pinagkainan at ng matapos ay nagdala si Sarah ng unan at kumot sa kwarto ni Gerald.
"Nakakainis ka." Hirit ni Sarah.
Ngumiti lang si Gerald.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na dadalhin mo ako dito? At saka bakit mo rin ako dinala dito?" Tanong ni Sarah habang pinapanood ang kaibigan na magayos ng kama.
Tinigil ni Gerald ang pag-aayos at naupo sa kama. "Halika dito."
Tumabi si Sarah sa kaibigan. Umakbay si Gerald sa kanya at hinawakan ang muka saka nagpaliwanag. "Napapansin ko kasing malungkot ka nitong mga nakaraang araw, kaya naisipan kong dalhin kita dito. Alam ko kasing namimiss mo na mga magulang mo. At saka.. gusto rin kita makasama ng matagal. Miss na kasi kita." Niyakap ni Gerald si Sarah pagkatapos.
Hindi mapigilan ni Sarah ang pagtulo ng mga luha, halong saya at lungkot ang nararamdaman nya. Hindi naman nakalagpas kay Gerald at naramdaman ang luha na tumutulo sa muka ng kaibigan. Kaya agad syang umusog papalayo upang makita ang mga muka ni Sarah.
"O bakit ka umiiyak?" Dali dali nyang pinunasan ang mga luha ng kaibigan.
"Wala. Namiss lang rin kasi kita." Nakangiting umiiyak na sinabi ni Sarah.
Ngumiti lamang si Gerald sabay kinurot ang ilong ni Sarah. "Para kang baliw.. at eeew may sipon!!"
Rinig sa buong bahay ang halakhakan ng magkaibigan. Maghapon nagtatawanan ang magkaibigan dahil wala silang ibang ginawa kung hindi magkulitan at mag-asaran sa kwarto ni Gerald. Ngunit kahit panay ang kulitan nila ay di pa rin mawawala ang kasweetan ng dalawa. At kahit hindi sabihin ng mga magulang ni Sarah ay natutuwa silang pagmasdan na may namumuong pag-iibigan ang dalawang magkaibigan.. Hindi pa nga lang nila alam..
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana...
Romance"Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling mag-iisa ... Kung ako na lang sana ang yong minahal.. Di ka na muling luluha pa.. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba .. Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo .. Kung ako na lan...